Enchanted Academy Book 1 Deleted Scenes
Here are the deleted scenes from Book 1 of Enchanted Academy Complete Edition: CHAPTER 01 NAGNGANGALIT ang kidlat na gumuhit sa kalangitan. Sinasabayan ng maingay na kulog ang malakas na buhos ng ulan nang gabing iyon sa Erkalla—isang mahiwagang lugar na lingid sa kaalaman ng mga tao. Sa Erkalla nakatira ang lahi ng mga mangkukulam at salamangkero. Kahalintulad din ito ng lugar ng mga tao. Halos walang pinagkaiba. Sa lugar na ito ay kilala ang dalawang grupo ng makakapangyarihang salamangkero. Ang Ligero o lahi ng salamangkerong puti at ang Osoru o grupo ng mga salamangkerong itim. Habang ang tawag naman sa normal na uri ng mangkukulam ay Medio. Ilang taon na rin na itinatago nilang dalawa ang kanilang relasyon ngunit tatlong araw na ang nakakalipas nang matuklasan iyon ng mga angkan nila. Palihim palang pinasusundan si Via ng ama nito sa isa sa mga alipin nila kaya nalaman ng mga ito ang sikretong relasyon nila ni Mateo. Pinagbawalan siya ng ama’t ina niyang makipagkita kay Mateo kaya naman nagdesisyon siyang magtanan sila ng lalaking iniibig. Bumulong siya sa hangin at ipinarating kay Mateo na magtagpo sila ngayong gabi. At hindi siya nito binigo. MAKALIPAS ang isang taon… “Irog ko, ito [...]
Here are the deleted scenes from Book 1 of Enchanted Academy Complete Edition:
CHAPTER 01
NAGNGANGALIT ang kidlat na gumuhit sa kalangitan. Sinasabayan ng maingay na kulog ang malakas na buhos ng ulan nang gabing iyon sa Erkalla—isang mahiwagang lugar na lingid sa kaalaman ng mga tao. Sa Erkalla nakatira ang lahi ng mga mangkukulam at salamangkero. Kahalintulad din ito ng lugar ng mga tao. Halos walang pinagkaiba. Sa lugar na ito ay kilala ang dalawang grupo ng makakapangyarihang salamangkero. Ang Ligero o lahi ng salamangkerong puti at ang Osoru o grupo ng mga salamangkerong itim. Habang ang tawag naman sa normal na uri ng mangkukulam ay Medio.
Ilang taon na rin na itinatago nilang dalawa ang kanilang relasyon ngunit tatlong araw na ang nakakalipas nang matuklasan iyon ng mga angkan nila. Palihim palang pinasusundan si Via ng ama nito sa isa sa mga alipin nila kaya nalaman ng mga ito ang sikretong relasyon nila ni Mateo. Pinagbawalan siya ng ama’t ina niyang makipagkita kay Mateo kaya naman nagdesisyon siyang magtanan sila ng lalaking iniibig. Bumulong siya sa hangin at ipinarating kay Mateo na magtagpo sila ngayong gabi. At hindi siya nito binigo.
MAKALIPAS ang isang taon…
“Irog ko, ito na ang baon mo. Ipinagluto kita ng daing na bangus at sinamahan ko rin ng maraming kamatis. Hindi ba’t iyon ang iyong paborito?” Masayang iniabot ni Via ang baunan kay Mateo na paalis na ng kanilang kubo para magtungo sa trabaho nito sa bukid.
Bumalik na ulit siya sa paglalaba. Kailangan na niya kasi iyong matapos agad upang makagawa ng iba pang gawaing bahay na dapat niyang tapusin.
INALALAYAN naman ni Mateo ang kanyang asawa sa pagtakbo dahil sa buntis ito. Iniingatan niya si Via dahil sa malapit na nitong iluwal ang kanilang unang anak.
“V-via? G-gumising ka! Masdan mo ang anak natin! Via!” Patuloy sa pag-iyak si Mateo.
“TALAGA po, `tay?” bumakas ang saya sa magandang mukha ni Helena.
“Oo! Kailan ba ako nagsinungaling sa iyo?”
“Yehey! May surprise sa akin si tatay!” Kung hindi lang siya karga ng kanyang tatay ay baka nagsayaw pa siya sa sobrang saya.
Ngunit kahit kailan ay hindi niya naramdaman na gusto siya nina Deborah at Shannel. Mainit ang dugo ng dalawa sa kanya dahil pakiramdam ng mga ito ay nakikihati pa siya sa atensiyon ng tatay niya. Ngunit tanggap na niya ang bagay na iyon. Wala naman siyang magagawa kung hindi siya gusto ng mga ito. Ang importante ay mahal siya ng kanyang ama.
“Sige. Susunod na kami doon,” ani ng tatay niya dito.
Yumukod ang tatay niya sa kanyang harapan. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at iniangat iyon kapantay ng kanyang mukha.
Umiling ito. “Hindi totoo iyon. Tayo ay mataas na uri ng salamangkero. Ikaw ay may dugong Ligero at Osoru.”
Ngayon ay naniniwala na siya sa sinabi ng kanyang tatay. Lahat naman kasi ng sinasabi nito sa kanya ay pinapaniwalaan niya dahil alam niyang hindi ito magsisinungaling kailanman.
CHAPTER 02
“ANAK ni Via at Mateo… Ikaw ang itinakda…” wika ng matanda. “Makakalimutan mo ang pagpaslang na ito sa iyong ama. At sa takdang panahon, ikaw ang magtutungo sa Erkalla upang tuparin ang nakatakda mong pagbuhay sa Alteza… Binibigyan din kita ng proteksyon na walang kahit na isang Ligero ang makakapatay at makakapanakit sa iyo habang ikaw ay nandito sa mundo ng mga tao. Ito ay isang sumpa…isang sumpang kailanman ay hindi mababali.” Muli siyang hinipan ng matandang babae at sa pagkakataong iyon ay tuluyan na siyang nakatulog.
NAGULAT si Helena nang matagpuan niya ang kanyang sarili sa isang lugar na hindi siya pamilyar. Nasa gitna siya ng kagubatan na napakadilim. Hindi naman siya nakakaramdam ng takot dahil wala siyang nararamdamang panganib sa paligid.
“Nasaan ba ako?” tanong niya.
“Nandito ka sa kagubatan kung saan naroon ang kaharian nating mga Osoru.” Mula sa kung saan ay isang nagliliwanag na babae ang nagpakita sa kanya. Ito rin iyong babae na nakita niya sa stockroom.
“Ikaw na naman? Sino ka ba?”
“Ako si Rushka. Ang Osoru na na naatasang magbantay sa iyo habang nandito ka sa mundo ng mga tao, Helena.”
Napaisip siya saglit. Tama! Natatandaan na niya. Ayon sa kanyang ama, ang isang Osoru ay angkan ng makapangyarihang salamangkerong itim.
“Kung ganoon, isa kang salamangkerong itim! Wow. Astig! Pwedeng pa-selfie?” Kinapa niya sa kanyang bulsa ang cellphone ngunit hindi niya ito makita doon.
“Tama ka. At ikaw ay isa ring Osoru. Isang Osoru na may malaking gagampanan sa ating lahi.”
Napahinto siya sa paghahanap ng cellphone at napatingin dito. “Ha? Ang sabi ng aking ama ay half-Osoru lang ako. Kasi half-Ligero din ako. Saka anong sinasabi mong malaking gagampanan?”
Hindi na nito sinagot ang kanyang tanong. Bigla na lang itong naglaho kasabay ng pagkawala ng liwanag sa katawan nito.
HUMIHINGAL na nagising si Helena mula sa panaginip na iyon. Nasapo niya ang kanyang noo dahil sa medyo sumasakit iyon.
“Ano kayang ibig sabihin ng panaginip kong iyon?” tanong niya habang nakatingin sa kawalan.
CHAPTER 03
“HA? Bakit isa lang?! Magtimpla ka ng isang pitsel para makainom din ang mga bisita ko. Hindi ka talaga nag-iisip kahit kailan!”
“Naku, `wag na… Hihintayin na lang din naman namin si Shannel. Magsisimula na kasi ang Santacruzan,” anang babaeng naroon.
“Ganoon ba?” turan ni Deborah sabay harap kay Shannel. “Shannel, magbihis ka na.”
“Okay, mommy.”
Dinala na ni Shannel ang gown at sapatos nito sa kwarto nito. Makalipas ang limang minuto ay nakasimangot itong lumabas. Muntik nang mapatawa si Helena nang makita niyang pawis na pawis si Shannel. Napansin niya agad kung bakit busangot ang mukha nito. Hindi kasi kasya ang suot nitong gown. Tumalikod pa ito para ipakita ang zipper sa likod na hindi maisara. Mukha itong suman.
Naiiritang pinalo ni Deborah sa pwet si Shannel. “Sabi ko naman sa iyo, mag-diet ka! Kain ka kasi nang kain!”
“Mommy! You’re embarassing me!”
Magsasalita pa sana ang babaeng namamahala sa Santacruzan nang bigla siya nitong makita. Nilapitan siya nito at tinignan ang kanyang katawan.
“Bakit po?” tanong niya.
“Sandali. Sa tingin ko, kasya sa iyo ang gown. Try mo kayang isuot, iha.”
“Po? Ako po?”
“Oo, ikaw. May iba pa ba akong kausap? Sige na. Maganda ka naman. Hindi mo na kailangan ng make-up.”
EWAN niya pero kanina ay hindi niya talaga makontrol ang kanyang kapangyarihan sa hindi malamang dahilan. Parang mas lumakas pa nga iyon. Pagpapagalaw lang naman ng mga gamit ang nagagawa niya noon tapos ngayon kaya na niyang baguhin ang anyo ng isang tao. Hindi niya tuloy alam kung maa-amaze o matatakot siya kapag natuklasan niya ang iba pa niyang kayang gawin.
Nag-concentrate si Helena sa pag-iisip. Kung tutuusin pala, wala na siyang babalikan pa dito sa mundo ng mga tao. Pinalayas na siya ng Tita Deborah niya tapos baka ipagkalat pa nito ang kapangyarihan niya. Mapagkamalan pa siyang halimaw ng mga tao dahil doon. Ulilang lubos na siya. Isa pa, alam naman niya na hindi talaga sa mundong ito ang mundo niya. Mapapahamak lang siya at ang tao sa paligid niya dahil sa kapangyarihang taglay niya.
“Aray ko! Ang balakang ko…” Nakangiwi siyang tumayo habang hinihimas ang balakang. Nanlaki ang mata ni Helena nang maalala niya si Nimfa. “Nimfa? Nasaan ka?” Hinanap niya ang kaibigan sa binagsakan nila ngunit wala ito doon.
Hanggang sa marinig niya ang maliit nitong boses. “`Andito ako! Kokak! Hindi ako makahinga! Helena!” tawag nito sa kanya.
Napatawa siya nang makita kung nasaan si Nimfa. Nakaipit ito sa cleavage ni Rushka. Agad niya itong kinuha doon. “Paano ka ba napunta doon?” tawa ni Helena.
“Hindi ko rin alam! Grabe! Hindi ako makahinga!”
“Tama na ang satsat. Tayo na sa kaharian ng mga Osoru. Hinihintay na ang pagdating mo doon, Helena.”
“Wow! May handaan ba?”
“Meron.”
Tamang-tama naman pala ang suot niyang gown kung may handaan. Parang sinadya na maisuot niya ang damit na iyon para dito. At least, hindi nakakahiya sa mga naroon, `di ba? Medyo excited na rin si Helena dahil sa wakas ay makikita at makikilala na niya ang angkan na pinagmulan ng kanyang ina. Makakadaupang-palad na rin niya ang kanyang mga kadugo.
Pumasok sila sa isang madilim na kagubatan. Naglakad lang sila hanggang sa sumalubong sa kanila ang isang malaking palasyo. Parehas silang napa-wow ni Nimfa dahil sa mga pelikula lang sila nakakakita ng palasyo o hindi naman kaya ay sa aklat.
Sumunod lang sila kay Rushka hanggang sa makapasok sila sa gate.
Nang nasa harapan na sila ng malaking pinto ng palasyo ay kusa iyong bumukas.
Napanganga si Helena nang sumalubong sa kanila ang maraming tao na nakasuot ng kulay itim na kasuotan. Hindi naman mga mukhang kulto ang mga ito dahil maayos ang pagkakagawa ng mga damit. Sa gitna ay nakaupo ang isang babae at lalaki na alam niyang iyon ang hari at reyna dahil sa magarang kasuotan ng dalawa. Sa tabi ng babae ay isang binata ang nakatayo. Anak siguro ng mga ito.
“What? Hindi ba pwedeng kumain muna?”
“Hindi. Sumunod ka sa akin!” Tumalikod na si Rushka.
Wala siyang nagawa kundi sundan ito.
“Alam mo, Helena, kung tao lang ako, nasabunutan ko na ang Rushka na iyon! Ang intrimitida!” nanggigigil na sabi ni Nimfa sa kanya.
“Hayaan mo na. Baka may regla kaya ang sungit!” Mahina silang naghagikhikan ng kaibigan habang nakasunod kay Rushka.
Sinundan nila si Rushka hanggang sa pumasok sila sa isang tahimik na silid. May bilog na lamesa sa gitna at maraming upuan ang nakapaligid doon. Malaki ang lamesa. Parang ginagamit kapag may fiesta.
Nakaupo na doon ang hari at reyna. Katabi ng mga ito si Calvin na parang hindi marunong ngumiti.
CHAPTER 04
“S-SINO siya?!” gulat na tanong ni Helena.
Humarap sa kanya si Reyna Serafina. “Siya ang ating Alteza na si Prosfera. Alteza ang tawag sa pinakamakapangyarihang Osoru. Ilang taon na ang nakakalipas simula nang mapatay ng mga Ligero ang ating Alteza. Pinatay siya dahil sa pagnanais niyang pamunuan ang Erkalla upang mas maging maayos ito. At ikaw, Helena, ang hinirang na bubuhay sa kanya!”
Hindi makapaniwalang itinuro niya ang kanyang sarili. “Ako? Bakit ako?”
paano mo maibabalik ang kaibigan mo sa dati nitong anyo.”
Tumango-tango si Helena. Medyo naiintindihan na niya ang lahat. Sinasanay na lang niya ang kanyang sarili sa mga bagay na nangyayari. Wala na siya sa mundo ng mga tao. Siya ay nasa Erkalla na. Lahat dito ay maaaring posible.
“Okay. Payag na akong pumasok sa Enchanted Academy. Kailangan ko na talagang maibalik si Nimfa sa pagiging tao niya,” aniya.
Nilapitan ni Haring Revero si Calvin. Inilagay nito ang dalawang kamay sa magkabilang balikat ng anak. “Si Calvin ang protektor mo, Helena. Siya ang makakasama mo palagi kahit saan ka magpunta. Siya ang hinirang na magpo-protekta sa iyo sa kahit na anong kapahamakan.”
Mabilis niyang tinignan si Calvin. Naiilang siya sa pagiging seryoso nito. “Hindi ko na naman siguro kailangan ng protektor, Haring Revero. Kaya ko ang sarili ko. Huwag kayong mag-alala sa akin—”
“Kailangan mo, Helena,” giit nito. “Mainit ang mata ng mga Ligero sa iyo dahil ikaw ang hinirang na bubuhay sa Alteza. Alam nila na oras na mabuhay ang Alteza ay babagsak na rin ang kanilang lahi! Ang misyon nila ay ang patayin ka. Alam mo ba iyon? At alam namin na alam na nila na dumating ka na dito sa Erkalla.”
ISANG malaking silid-tulugan ang ibinigay ng hari at reyna kina Helena at Nimfa. Sa laki niyon ay halos kasing-laki na iyon ng bahay nina Deborah. May malaking kama, aparador na puno ng damit at sariling banyo. Makaluma ngunit elegante ang mga gamit na naroon.
Malungkot na nakatanaw si Helena sa bintana habang pinagmamasdan ang madilim na kagubatan na para bang walang katapusan dahil iyon lang ang nakikita niya. Malungkot siya dahil kahit papaano ay nami-miss na niya sina Deborah at Shannel. Ang pag-uutos ng mga ito, pananakit at kung anu-ano pa.
“Malungkot ka rin ba?” tanong ni Nimfa na katulad niya ay nakadungaw din sa bintana.
“Slight. Nakaka-miss ang mundo ng mga tao kahit ilang oras pa lang tayong wala na doon.”
“Ako din, e. For sure, hinahanap na ako ng nanay ko. Miss na miss ko na siya,” suminghot pa si Nimfa na parang naiiyak.
“Kesa naman magpakita ka sa kanya na palaka ka, `di ba? Baka hindi iyon maniwala, tapakan ka pa ng nanay mo!”
“Ay, grabe ka sa akin. Pero maiba tayo. Ang tindi rin pala ng tungkulin mo bilang hinirang, `no? Biruin mo, bukod sa ikaw ang bubuhay sa Alteza nila, kailangan mo pang mag-aral ng mahika at mag-ingat sa mga Ligero na gusto kang patayin. Naku, mahirap iyan. Buhay mo ang nakataya!”
Bumuntung-hininga na lang siya. “Wala na naman akong magagawa. Ito na ang kapalaran ko at kailangan ko itong harapin at tanggapin.”
“Wow naman! Pero, sige. Support na lang kita. Saka mag-aral ka nang mabuti sa Enchanted Academy para naman maibalik mo na ako sa pagiging tao, `no. Ayoko nang tumagal pa sa pagiging palaka. Nakakadiri. Eww!”
“Ang arte mo, ha!”
“Ah, ganoon? Palit kaya tayo? Ikaw na ang palaka, ako na ang tao!”
“Ah, e… No, thanks!” Nakangiwi at natatawang sagot ni Helena kay Nimfa.
“MAG-IINGAT kayo ni Calvin, Helena. Tandaan mo ang mga sinabi namin sa iyo. Walang dapat na makaalam na ikaw ang hinirang. Nasa Enchanted Academy ka upang paghusayan ang kakayahan mo sa mahika,” bilin pa ng reyna bago sila lumisan ni Calvin sa palasyo.
“Pipi ba si Calvin? Baka naman… bad breath! Yuck!” bulong niya bago siya sumunod dito.
Masyadong mabilis maglakad si Calvin kaya halos tumakbo na si Helena para lang makasabay dito. Panay din ang kausap niya dito upang ma-break na niya ang wall sa pagitan nila ngunit ayaw talaga nitong magsalita.
Hindi naman ito bad breath. Naamoy niya ang hininga nito habang nagsasalita dahil medyo malapit si Calvin sa kanya. Mabango naman.
CHAPTER 05
GUSTONG magpakitang-gilas ni Helena kay Matias kaya nagprisinta siyang umakyat sa puno para kumuha ng dagta ng puno ng balete. Ewan niya pero mukhang crush na niya ang lalaki. Normal lang naman siguro na magka-crush siya sa katulad nitong gwapo at mabait pa. Hindi ito katulad ni Calvin na ang sungit masyado. Naiilang siya kanina kay Matias ngunit bahagyang nawala na iyon dahil ito ang unang nakipag-usap sa kanya.
Nanginig ang kanyang buong katawan. Ang taas pa naman ng kinaroroonan niya. Kapag nahulog siya mula sa kanyang kinatatayuan, paniguradong bali-bali ang buto niya o kaya ay ma-comatose siya. Pero pwede naman siyang makatulog ng matagal tapos ang halik ni Matias ang makakapagpagising sa kanya.
Hoy, Helena! Tumigil ka nga sa kalandian mo. Mamatay ka na lang, si Matias pa rin iniisip mo! Saway niya sa kanyang sarili.
Huminga ito nang malalim. “Mabuti naman at walang nangyaring masama sa iyo, Helena. Kundi’y hindi ko mapapatawad ang aking sarili dahil pinayagan kitang umakyat sa puno.” Lalong gumwapo si Matias sa paningin niya dahil sa concern na ipinapakita nito sa kanya.
Feeling niya tuloy ay girlfriend siya ng lalaki. Medyo nakakakilig!
Wala na siyang nagawa kundi ang sundin ito dahil baka mapagalitan na sila ng kanilang guro.
Ganoon ang mga mata ni Calvin. Parang palaging galit. Palaging nag-aapoy na hindi niya maintindihan kung bakit.
Sumimangot siya. “E, parang imposible naman iyang sinasabi mo na type ako ni Calvin. Sa sungit no’n? Hay! Imposible talaga!” Na-imagine niya bigla ang gwapong mukha ni Calvin.
Well, gwapo naman talaga ito kahit nagsusungit ito. Siguro iyon na talaga ang ugali nito pero nararamdaman din naman niya na may pakialam ito sa kanya. Lalo na nang sabihin nito kanina na naiinsulto ito dahil si Matias ang nagligtas sa kanya imbes na ito.
Speaking of Matias…
Sinundot niya sa tagiliran ang kaibigang nagtatampo yata. “Oo naman. Hindi ko nakakalimutan ang real mission ko kaya ako nag-aaral sa Enchanted Academy. Para sa iyo iyon, friend. Inspirasyon lang naman si Matias. Ano ka ba? Masyado ka namang tampuhin, naging palaka ka lang!”
“Touch naman ako! Pero gwapo ba talaga si Matias?”
“Oo! Sobra! Kaya nga nagkagusto ako sa kanya, e!” At kinikilig na napahagikhik si Helena.
CHAPTER 06
NAISIP niya na tama ang kanyang ina. Magiging malaki ang utang na loob nila kay Helena dahil ito ang magiging daan para mabuhay ang kanilang Alteza. At kapag nangyari iyon, muling babangon ang kanilang lahi at hindi na nila kailangang magtago pa sa madilim na gubat. Maaaring mapasa-kanila pa ang buong Erkalla.
Gusto ko si Helena? Nalilitong tanong niya sa sarili.
KINUMUSTA siya ng mga magulang nito ukol sa pag-aaral niya ng mahika. Sinabi niyang mabuti naman at nag-eenjoy siya sa pag-aaral.
Marahan siyang lumingon at automatic ang ngiti sa labi niya nang makita si Matias na papalapit sa kanya at kumakaway.
Pasimple niyang sinulyapan si Calvin at diretso lang itong nakatingin sa unahan. Tila mas lalo pa yata itong naging masungit ngayon.
“Ngayon na natin masusubukan kung tama ba ang ginawa niyo. Magpalitan na kayo ng love potion ng inyong mga kapareha at inumin n’yo na.” Pagbibigay pa nito ng instructions.
KUNG pwede nga lang na habambuhay na ang epekto niyon ngunit hindi naman pwede. Isa pa, kung magugustuhan man siya ni Matias, gusto niya na kusa nitong mararamdaman iyon nang hindi niya ginagamitan ng mahika. Mas maganda pa rin na iibigin siya nito sa natural na paraan.
“Ang galing ko, `no?” sabi nito nang wala na ang lahat ng kaklase nila. Si Calvin ay madilim ang mukha na hinihintay siya sa may pinto.
“Ha? Magaling? Bakit?” Nagtatakang tanong naman niya.
Kung umarte lang ito, bakit ang sabi ng kanilang guro ay kitang-kita nito ang pag-ibig sa mga mata nito? Ang ibig bang sabihin niyon ay totoo talaga itong umiibig sa kanya? Pero ayaw naman niyang mag-assume na ganoon nga. Baka nga naman magaling lang talaga itong umarte.
TAPOS na ang ikalawang klase nina Helena. Magkasama silang kumain ni Calvin ng meryenda sa kainan na nasa loob ng Enchanted Academy. Mabilis silang natapos sa pagkain kaya naman marami pa silang oras na natitira bago sumapit ang kasunod na klase nila—ang pangungulam.
Inutusan niya ang aklat na lumapit sa kanya sa pamamagitan ng isip lamang. Marahan naman iyong bumaba ngunit nagulat siya nang may biglang tumapik sa kanyang likod.
CHAPTER 07
NAGLIWANAG ang mukha niya sa sinabi ni Matias. Kung hindi lang nakakahiya, baka nayakap pa niya ito sa labis na tuwa.
“Wow! Ang galing mo naman. Samantalang ako ay hindi. Marami pa akong dapat matutunan sa mahika kaya dapat pag-igihin ko ang pag-aaral dito sa Enchanted Academy.”
“Kulang ka lang sa ensayo. Teka, maiba ako. Saan ka pala nakatira, Helena?”
Nag-crossed arms si Calvin sa harapan niya. Umiling ito at itinulak siya sa noo gamit ang isang hintuturo nito. “Hindi ka talaga nag-iisip, ano? Kung hindi pa ako dumating baka nasabi mo na sa Matias na iyon kung saan tayo nakatira!” mataas ang boses na sabi nito.
Naririto nga lang pala ang taong iyon sa Enchanted Academy. Nararamdaman niya na hindi magtatagal ay matatagpuan na niya ang kanyang hinahanap na tao.
Nagtataka siya kung bakit tila itinututo siya ng kwintas kay Helena kaya naman sinundan niya ito. Nang makita niya na iniwanan ito ni Calvin nang mag-isa sa hallway ay saka niya lang ito nilapitan. Mas lalong lumakas ang liwanag ng kwintas.
“ANG weird…” Napapailing na lang si Helena nang biglang lumayo si Matias sa kanya matapos siya nitong tawagin.
Inamoy niya ang kanyang sarili lalo na ang kili-kili. Hiningahan niya ang sariling palad at inamoy ang hininga. Baka kasi mabaho siya kaya nagka-ganoon si Matias. Hindi naman. Mabango naman siya at walang hindi kanais-nais na amoy. Anong nangyari doon? Kanina naman ay okay silang nag-uusap sa silid-aklatan.
Imposible naman na may buwanang-dalaw si Matias kaya bigla itong nagka-ganoon dahil lalaki ito at hindi babae.
Ipinagkibit-balikat na lang iyon ni Helena at nagtungo na lang sa susunod niyang klase.
HINDI man niya gustong gawin iyon kay Helena ay wala siyang magagawa. Iyon ang kanyang tungkulin sa kanilang lahi kaya dapat niya iyong gawin.
Hindi niya pwedeng pairalin sa ngayon ang kanyang puso. Kailangan niyang paslangin si Helena!
Isa pa, nasa kanya na ang pagkakataon kaya hindi na niya ito dapat pang palampasin.
“Matias?” Nang maramdaman niya ang kamay ni Helena sa kanyang balikat ay humigpit ang pagkakahawak niya sa tanganan ng patalim.
Sinasabi ng kanyang isip na kailangan niyang patayin si Helena dahil iyon ang makakabuti sa lahi nila na Ligero at pati na rin sa buong Erkalla. Habang ang sinasabi naman ng puso niya ay huwag niya itong patayin dahil mahal niya ito. Ito ang unang babae na minahal niya bukod sa kanyang ina. Hahayaan niya bang sa kamay niya bawian ng buhay ang kanyang unang pag-ibig?
Ipinikit niya ang kanyang mga mata.
Nahihirapan siyang tumayo at nakita niya si Calvin na may binubuo na namag enerhiya sa kamay nito. Mabilis siyang umiwas nang ibato nito iyon sa kanya.
CHAPTER 08
KAYA hindi siya makakapayag na may manakit dito na kahit na sino. Ipagtatanggol niya si Helena dahil iyon ang kanyang tungkulin!
Tumayo ito na hawak ang balikat.
“Ngunit paano na ang kanilang pag-aaral ng mahika? Magandang matuto sila ng mahika at pakikipaglaban dahil alam naman natin na kapag nabuhay nang muli ang Alteza ay mag-uumpisa na ang pakikidigma natin sa mga Ligero!” saad naman ni Reyna Serafina.
“Hindi na makakabuti kina Calvin at Helena ang pag-aaral doon. Hayaan mo at sasanayin na lamang sila ng mga marurunog dito sa atin.” Tumingin sa kanila ni Helena ang kanyang ama. “Maaari na kayong magpahingang dalawa.”
Yumukod sila ni Helena at umalis na ng bulwagan.
Habang naglalakad si Helena papunta sa silid nito ay napansin niyang bagsak ang balikat nito. Halata ang kalungkutan na bumabalot dito. Marahil ay nagulat ito na si Matias pala na tila gusto nito ang nakatakdang pumatay dito. Hindi naman siya manhid para hindi maramdaman na tila may gusto ito sa lalaking iyon.
Gusto niya sana itong lapitan para may makausap ito pero inunahan siya ng hiya. Mas pinili na lang niyang magtungo na lang din sa kanyang silid upang magpahinga.
DAPAT ba siyang matuwa kasi mahal siya ni Matias o dapat siyang malungkot kasi kailangan siya nitong patayin?
“Nakakalungkot lang kasi feeling ko gusto ko na si Matias…”
“No way!”
“Oo, Nimfa. Sayang nga din kasi alam niya kung paano ka niya maibabalik sa dati. Bukas sana ay ibibigay niya sa akin ang gamot sa iyo kaya lang hindi na ako pwedeng makipagkita sa kanya dahil siguradong papatayin niya ako.”
Tinapik-tapik siya ni Nimfa sa hita gamit ang maliit nitong paa. “Hayaan mo na. Huwag ka na talagang makikipagkita sa kanya dahil paniguradong katapusan mo na. Okay lang na palaka muna ako for now basta safe ka, Helena! Kokak!”
Napangiti naman siya sa sinabing iyon ni Nimfa. Salamat naman at naiintindihan siya nito at ang kanyang sitwasyon.
MULI niyang tiningnan ang botelya. Kung paano iyon napunta sa kanyang kamay ay isang malaking palaisipan pa rin sa kanya. Ngunit, paano nga kaya kung iyon ay ang gamot na ipinangako ni Matias?
“Teka, ikukuha lang kita ng damit. Dito ka lang!” aniya sabay punta sa aparador na naroon. Kinuha niya ang damit na sa tingin niya ay kakasya sa kanyang kaibigan at iyon ang ipinasuot niya dito.
“TULOY po kayo, ina. Bukas ang pintuan na iyan,” tugon ni Matias.
Dapat na ba niyang sabihin sa ina na natagpuan na niya ang taong kailangan niyang patayin?
Umiwas siya ng tingin dito dahil alam niyang malalaman nito na hindi siya nagsasabi ng totoo kapag tinignan siya nito sa kanyang mata.
Masuyo siya nitong hinaplos sa braso. “Huwag mong masyadong damdamin ang bagay na iyon. Isa pa, wala ka naman doon upang mag-aral talaga. Nasa Enchanted Academy ka upang hanapin ang bubuhay sa Alteza ng mga Osoru. Ikaw ay isang mahusay na salamangkerong puti at hindi mo na kailangan pang pumasa sa mga pagsusulit na iyan,” anito sa kanya.
“Ano po ba ang dapat sundin? Ang puso o ang isip?”
Sandaling natahimik ang kanyang ina sa tanong niyang iyon na tila ba nag-iisip ito. Natanong niya iyon dahil nalilito na talaga siya kung ano ba ang dapat niyang gawin.
Mas naguluhan si Matias sa sagot na iyon ng kanyang ina.
CHAPTER 09
“ANO po? P-pero siya na lamang ang aking kaibigan dito. Baka naman po pwede muna siyang manatili dito?” Malungkot at nababahala na nagkatinginan sila ni Nimfa.
Mariin na umiling si Haring Revero. “Hindi maaari ang iyong nais, Helena. Isa pa, tao siya at baka kapag nagtagal siya dito sa Erkalla ay makasama iyon sa kanya.”
“Nimfaaa!!!” Palahaw niya na parang namatayan.
Pakiramdam niya tuloy ay napakabagal ng mga oras. Nakakainip ang bawat minutong lumilipas dahil wala naman siyang nakakausap sa kaharian ng mga Osoru. Ngayon niya nararamdaman na ang tanging halaga lang niya sa lugar na iyon ay siya ang bubuhay sa Alteza. Bukod doon ay wala na.
“Bakit ka nandito? Gusto kong mapag-isa…” walang ganang sabi niya.
Nagulat siya nang banggitin nito ang pangalan ni Matias. “Bakit naman nasali dito si Matias, ha?”
“BAKIT hindi mo kasama si Helena, anak?” tanong ng hari kay Calvin nang dumulog na siya sa hapag-kainan.
“Wala daw po siyang ganang kumain. Marahil ay malungkot pa rin siya sa paglisan ng kanyang kaibigan.” Hindi na nagsalita ang hari at reyna.
Alam din niya na pagkatapos mabuhay ng Alteza ay digmaan na ang kasunod niyon. Digmaan na magiging dahilan ng muling pagdanak ng dugo.
Kaya naman napahinto si Calvin sa pagkain at nag-ipon ng lakas ng loob para sa kanyang sasabihin sa kanyang ama at ina. “Ama, ina…” Napahinto ang dalawa sa pagsasalita niya.
“Bakit, Calvin?” tanong ng kanyang ina.
“Ano iyon?” tanong ng hari.
“Helena!” Akmang lalapitan niya ito ngunit humarang ang hari sa kanyang daraanan.
Nais sanang magprotesta ni Calvin ngunit alam niyang walang magagawa ang salita niya laban sa salita ng hari.
CHAPTER 10
TATANGGAPIN na sana niya na makukulong siya dito habambuhay ngunit sa pagdating ni Calvin ay nagkaroon siya ng kaunting pag-asa.
“Bilisan mo, Helena! Sundan mo lang ang pinakamaliwanag na bituin!” sigaw sa kanya ni Calvin.
Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras. Hinanap niya ang pinaka-maliwanag na bituin sa kalangitan at nang makita niya ay lumipad siya sa direksyon kung nasaan iyon. Binilisan niya ang pagkampay ng kanyang mga pakpak. Wala siyang ideya kung gaano katagal ang epekto ng gamot kaya kailangan niyang bilisan.
“KINAUSAP ka ni Calvin?”
“Oo. Pumunta siya sa Enchanted Academy at doon ay sinabi niya sa akin ang lahat, na nasa panganib ang iyong buhay sa kamay ng Osoru.”
Umiwas siya ng tingin dito.
“Sabihin mo ang totoong nararamdaman mo sa akin, Helena. Totoo ba ang sinabi ni Calvin na mahal mo ako katulad ng pagmamahal ko sa iyo?”
Pinahid niya ng kanyang kamay ang luhang naglalandas sa kanyang magkabilang pisngi. “P-pero kung sasama ka sa akin… saan naman tayo pupunta?”