Enchanted Academy Book 2 Deleted Scenes
Here are the deleted scenes from Book 2 of Enchanted Academy Complete Edition: Prologue GANOON na lamang ang kanilang tuwa nang matapos ang isang taon nilang pagsasama ay nagdalantao na siya. Masayang-masaya sila noon dahil sa wakas ay nagbunga na rin ang kanilang pagmamahalan. Hanggang sa magluwal na siya ng isang babaeng sanggol na pinangalanan nilang Kanika. Nagkita rin silang muli ni Nimfa at ito pa nga ang naging ninang ng kanilang anak. Oo, binalaan sila ni Calvin noon ngunit lumipas ang dalawang taon ay wala namang Osoru na gumambala sa kanila. Naging kampante sila ni Matias at doon sila nagkamali. Dinala siya nina Rushka sa gubat kung saan naroon ang mga Osoru. Agad siyang dinala sa silid kung saan nakahimlay si Prosfera. Alam niya na oras na mabuhay ang alteza ay magkakaroon na ng kapangyarihan ang mga Osoru para magapi at mapasakamay ang buong Erkalla. Ngunit buhay ng kanyang asawa at anak ang nakasalalay dito. Naniniwala pa rin siya na hindi hahayaan ng Lumikha na manaig ang kasamaan sa kabutihan. Iyon na lamang ang kanyang pinanghahawakan. “Nakuha na natin ang dugo ng Hinirang! Ngayon, mangyayari na ang matagal na nating inaasam—ang pagkabuhay ng ating alteza na si Prosfera!” puno [...]
Here are the deleted scenes from Book 2 of Enchanted Academy Complete Edition:
Prologue
GANOON na lamang ang kanilang tuwa nang matapos ang isang taon nilang pagsasama ay nagdalantao na siya. Masayang-masaya sila noon dahil sa wakas ay nagbunga na rin ang kanilang pagmamahalan. Hanggang sa magluwal na siya ng isang babaeng sanggol na pinangalanan nilang Kanika. Nagkita rin silang muli ni Nimfa at ito pa nga ang naging ninang ng kanilang anak.
Oo, binalaan sila ni Calvin noon ngunit lumipas ang dalawang taon ay wala namang Osoru na gumambala sa kanila. Naging kampante sila ni Matias at doon sila nagkamali.
Dinala siya nina Rushka sa gubat kung saan naroon ang mga Osoru. Agad siyang dinala sa silid kung saan nakahimlay si Prosfera. Alam niya na oras na mabuhay ang alteza ay magkakaroon na ng kapangyarihan ang mga Osoru para magapi at mapasakamay ang buong Erkalla. Ngunit buhay ng kanyang asawa at anak ang nakasalalay dito. Naniniwala pa rin siya na hindi hahayaan ng Lumikha na manaig ang kasamaan sa kabutihan. Iyon na lamang ang kanyang pinanghahawakan.
“Nakuha na natin ang dugo ng Hinirang! Ngayon, mangyayari na ang matagal na nating inaasam—ang pagkabuhay ng ating alteza na si Prosfera!” puno ng kasiyahan na pahayag ni Haring Revero.
Chapter 01
KANIKA’S POV
Tatlong hakbang ang ginawa ko at nang nasa medyo gitna na ako ay tumambling ako. Nagsigawan ang mga taong nanonood sa akin. Halatang lahat ay kinabahan na baka mahulog ako pero hindi naman. Lumagpak pa rin ang dalawa kong paa sa lubid.
Ang lahat ng ito ay kailangan kong tiisin para lamang kumita.
Marami ang nagtatanong sa akin kung mahirap ba ang ginagawa ko. Sinasagot ko sila ng, oo, mahirap. Kailangan ng maraming practice at dedication para magawa ang ginagawa ko. Pero lahat ng iyon ay kasinungalingan. Hindi ako nahihirapan sa ginagawa ko pero ipinapakita ko na nahihirapan ako kahit konti para naman makaramdam sila ng thrill. O, `di ba? Hindi lang ako ang babaeng tumutulay sa lubid kundi pwede rin akong artista!
Bakit ako hindi nahihirapan?
Ang totoo niyan ay hindi ko rin alam. Basta, natatandaan ko noong ten years old ako, nakapanood ako sa TV ng isang lalaki na tumutulay sa lubid. Tapos noong nagsasampay ako ng damit, inisip ko siyang gayahin. Oo, sa sampayan! Nakakaloka, `di ba?
Nang panahon na iyon, nagawa kong makatalon nang mataas at makatuntong sa lubid. Nagawa kong pagaanin ang sarili kong katawan at magbalanse sa sampayan. Pero nahulog ako at nabalian. Napalo pa tuloy ako ng nag-aalaga sa akin.
Pero matapos ang pangyayaring iyon ay hindi na ako natahimik sa kakayahang natuklasan ko sa aking sarili. Kaya kong tumalon nang mataas at magpagaan ng sarili para makapagbalanse sa lubid.
Ang bongga, `di ba?
At nang tumuntong na nga ako sa edad na labing-tatlo ay nag-perform na ako sa circus dito sa amin kapag malapit na ang fiesta.
Marami namang tao ang natutuwa sa ginagawa kong stunts, e. Hindi sila nagsasawa na panoorin ang ginagawa kong kakaiba.
Sampung minuto lang naman ang aking act. After niyon ay pwede ko nang kunin ang bayad sa akin na four hundred pesos kada gabi. Makakauwi na ako.
Minsan, napapalo niya ako noong bata pa ako pero alam ko naman na nagagawa lang niya iyon kasi mahal niya ako. Ayaw niyang mapahamak ako.
Beauty queen talaga? Ayoko nga no’n, `no!
Ayokong magsuot ng gown.
Ayokong magsuot ng swimsuit.
Ayoko ring rumampa na pakendeng-kendeng.
At ayokong mag-make up. Iyong sa circus, napipilitan na nga lang ako dahil kailangan.
Pero kahit magtaas siya ng boses ay hindi pa rin siya nakakatakot. Paano ba naman, mataba si Ninang at cute ang hitsura. Kaya kahit nagagalit siya ay cute pa rin. Umuuga-uga pa nga ang double chin niya kapag nagagalit siya sa akin dahil sa pasaway ako minsan. Aminado naman ako na pasaway talaga ako.
“Diyos ko! Hindi ko pinangarap! Ipinangako ko pa naman sa kanila na aalagaan kita at papalakihing isang mabuting babae.”
“Kaya ko po ang sarili ko, ninang. Wala po kayong dapat na ipag-alala sa akin! Na-master ko na po ang pagtulay sa lubid!” Pagmamalaki ko pa.
“Hindi na kita pinapayagan na magtrabaho sa circus. Hindi mo alam na halos atakihin ako sa puso noong isang beses na pinanood kita!”
Pinanood kasi niya ako noong fourteen years old ako at totoo ang sinabi ni Ninang. Muntik na siyang himatayin sa bawat tumbling ko sa lubid. Kaya naman iyon din siguro ang naging reason kung bakit ayaw niya sa ginagawa ko.
“Anong ayaw? Ikaw, sinuway mo na ako sa pagtulay mo na iyan sa lubid tapos hindi mo pa ako pagbibigyan? Isa pa, malaki ang premyo. Marami daw sponsor at may pupuntang talent scount bilang isa sa mga judges. Kailangan mong magpakitang gilas at baka kunin kang artista!”
“Mahina naman po ako sa question and answer, e. Talo na ako diyan. Isa pa, ayoko naman pong mag-artista.”
Pumasok na rin ako sa aking silid upang magpahinga at matulog. Nakakapagod din naman na magpatumbling-tumbling sa lubid, `no!
NANG sumunod na gabi ay nahirapan na ako sa pagtakas kay Ninang dahil talagang binantayan niya ako. Hindi na tuloy ako nakapagtanghal nang mga sumunod pang gabi. Hanggang sa sumapit na ang gabi kung kailan lalaban na ako ng beauty contest sa kabilang barangay. Sakay ng isang tricycle ay nagtungo kami sa lugar kung saan gaganapin ang contest.
Si Ninang ay nasa audience habang kami naman ni Tasha ay dumiretso na sa dressing room ng mga kandidata. Karamihan sa mga naroon ay tumingin sa akin nang ako ay dumating.
“Siya na naman? Sumali na iyan noong nakaraang buwan sa beauty contest sa Barangay Ilaya, e.” Narinig kong bulong ng isang kandidata.
“Oo nga. Ginagawa nang kabuhayan ang pagsali sa beauty contest!” sang-ayon ng isa pa.
Hinigit ko si Tasha sa kamay. “Tasha, `wag na kaya akong sumali. Pinagbubulungan nila ako, e,” turan ko.
“Pabayaan mo nga sila! Inggit lang sila sa ganda mo dahil ikaw ang pinakamaganda. Saka, bawal nang umatras, `no. Sayang iyong registration fee na binayad ko. At isa pa, malaki ang first prize! Hulaan mo kung magkano?”
“Hindi naman ako manghuhula, e. Magkano ba?”
“Fifty kyaw?”
“Ha?”
“Fifty thousand pesos! Bongga, `di ba? Marami kasing sponsor. Kaya husayan mo, Kanika! Kailangan mong manalo talag dito para bongga tayo pag-uwi!”
Aba at malaki nga ang premyo pero imposible naman na manalo ako dito. Never pa naman akong nag-title. Palagi akong runner-up lang.
“Ang laki nga, ha.”
“Kaya nga sana manalo ka, Kanika! Makakapag-aral ka na ng college if ever!”
Pumunta na kami ni Tasha sa pwesto namin. Inumpisahan na niya akong ayusan mula sa aking buhok at make up. Evening gown agad ang labanan at rarampa na raw kami after ten minutes. Siniguro naman ni Tasha na maganda na ako bago ako pumunta ng stage.
Okay. Gagawin ko ang best ko para sa fifty thousand! Kaya ko ito! Pagpaalakas ko ng sarili kong loob.
Matapos ang rampahan ay in-announce na ang mga nakapasok sa top ten. At kasama ako doon. Kaming sampu ang magpapakitang-gilas sa talent portion.
“O, ikaw na ang next. Tanda mo pa ba iyong sayaw-sayaw mo?” Paalala sa akin ni Tasha.
Nakasuot na ako ng baro’t saya. Paano ay sasayaw ako ng Tinikling. Nag-hire si Tasha ng dalawang lalaki na siyang hahawak ng dalawang kawayan na sasayawan ko.
“Oo naman, `no! Palagi namang Tinikling ang talent ko at palagi rin akong natatalo!”
“Aba! Ako kaya ang nagturo sa iyo niyan. Bakit? May alam ka pa bang talent? E, hindi ka naman marunong kumanta!”
Bigla akong natigilan sa sinabi ni Tasha. May iba pa ba akong alam na talent?
Teka… May naisip ako! Baka ito na ang ikapanalo ko kung sakali!
“Thank you, Candidate Number Eight! And for our next candidate, please welcome… Miss Kanika Alvarez!”
“Ikaw na, Kanika! Good luck!”
Nagpunta na ako sa gitna ng stage. Nakapwesto na rin doon ang kawayan at iyong dalawang lalaki.
Nang tumugtog na ang awitin na para sa Tinikling ay hindi ko nagawang sumayaw.
Napatingin ako sa audience at nakita ko si ninang na sinesenyasan ako na sumayaw na.
Ngunit imbes na sumayaw ay pinatayo ko iyong dalawang lalaki. Kinuha ko iyong isang kawayan at ipinatong ko sa balikat nila ang magkabilang dulo. Tumalon ako nang mataas at tumuntong sa kawayan na nasa balikat ng dalawang lalaki.
Sigawan sa pagkabigla ang lahat na sinundan ng malakas na palakpak.
Tatlong beses akong tumambling sa ibabaw ng kawayan nang hindi man lang ako nahuhulog. Hindi ko na lang tinitingnan si Ninang Nimfa at alam kong hindi niya nagugustuhan ang ginagawa ko.
Bumaba ako sa kawayan. Itinayo ko iyon at pinahawakan sa dalawang lalaki. Kinuha ko iyong isa pang kawayan at itinapon ko iyon sa ere nang mataas. Inisip ko na dudugtong iyon sa dulo ng kawayan na hawak ng dalawang lalaki at nangyari nga! Hindi ko alam pero parang nakontrol ko iyong kawayan.
Palakpakan na naman ang mga tao.
Inakyat ko iyong dalawang kawayan at nang nasa dulo na ako ay nag-balance ako at tumayo. Napatayo na rin ang mga nanonood sa nakita nilang ginagawa ko. Mabilis na parang unggoy akong bumaba at saka nag-bow.
Lahat ay hindi makapaniwala sa pinakita kong talento.
Hindi ko naiwasan na hindi tignan si Ninang mula sa audience at nakita ko siyang hawak ang kanyang dibdib at nakanganga.
Chapter 02
CALVIN’S POV
Oo, ako na ang hari ng buong Erkalla simula nang mapasakamay ito ng Osoro labing-anim na taon na ang nakakaraan.
Nakakalungkot lang na dati akong protektor ni Helena ngunit hindi ko siya naprotektahan sa sitwasyon na kailangan niya ako.
Sino ba naman ang magtatangkang kalabanin ang pinaka- makapangyarihang nilalang ngayon dito sa Erkalla? Wala. Lahat ay may takot kay Prospera.
Kung may sapat nga lamang akong kapangyarihan at kakayahan upang labanan siya ay matagal ko nang ginawa. Ngunit tila hindi ko na iyon kailangan pang gawin dahil nakatakda na naman palang magwakas ang buhay ng alteza. At hindi nagkakamali ang mga propesiya ni Matandang Juva. Nakita niya noon na mabubuhay muli ang alteza sa pamamagitan ni Helena at nangyari nga iyon. Kahit na ang akala ko ay hindi iyon mangyayari dahil nakatakas sila noon ni Matias sa Erkalla at nagtungo sila sa mundo ng mga tao.
“Ngunit, mahal na alteza, ano ang inyong gagawin sa mga babaeng iyon? Maaari ko bang malaman?” tanong ko.
“Malalaman mo rin bukas. Ang nais ko ay sundin mo ang aking sinabi!” At walang pasabi na nilisan ni Prosfera ang silid ng pagpupulong.
Lumapit pa ako sa bintana at pinagmasdan ang buong Erkalla habang papalubog na ang araw. Alam ko na kung mamamatay ang alteza at muling mapupunta sa Ligero ang Erkalla ay maaaring mawala na rin ng tuluyan ang aming lahi. Pero alam kong iyon ang makakabuti sa Erkalla. Saksi ako sa kung paano patakbuhin ng mga Ligero ang Erkalla noong nag-aaral pa kami ni Helena sa Enchanted Academy. Makikita mong masaya ang lahat dahil sa magandang pamamalakad ng mga Ligero. Ngayon kapag nakakasalubong ako ng mga pangkaraniwang salamangkero o mideo ay nakikitaan ko sila ng takot sa kanilang mga mukha na sana ay ayokong mangyari. Ang tingin kasi ng karamihan sa aming mga Osoru ay masasama at malulupit, at dahil na rin iyon kay Prosfera.
Chapter 03
KANIKA’S POV
BINILISAN na lamang namin ang pagkain sa lomihan at umuwi na rin kami. Bago iyon ay ibinigay ko muna kay Tasha ang porsiyento niya sa napalanuhan kong pera. Pagod na pagod akong humiga sa aking higaan pagkauwi ko ng bahay. Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip iyong nangyari kanina.
Alam ko kung ibang babae ang in-offer-an ni Mr. Martinez ay talagang labis na matutuwa. Pero ako ay hindi. Ibang bagay naman kasi ang kaya kong gawin.
Hay… Kung kaya ko lang sanang takasan ang mundong ito, matagal ko nang ginawa. Gusto ko iyong mundo kung saan magagawa ko ang gusto ko—ang maglingkod sa aking kapwa.
Bumangon ako at humarap sa salamin. Tiningnan ko doon ang aking mukha.
“Maganda ba talaga ako?” tanong ko sa aking sarili.
Marami ang nagsasabi na maganda ako. Pero sana hindi na lang ako naging maganda. Sana naging ordinaryo na lang ang aking mukha. Iyong pangkaraniwan lang. Para naman hindi na ako sinasali nina Ninang sa beauty contest at hindi na rin nila ako pinu-push na mag-artista.
Sa gilid ng salamin ay isang litrato ang nakaipit. Kinuha ko iyon at pinagmasdan. Ang nasa litrato ay ang nanay at tatay ko habang karga ako ng una. In fairness, maganda at gwapo ang mga magulang ko kaya hindi na rin siguro nakakapagtaka kung maganda talaga ako.
Naisip ko tuloy, kung buhay kaya sila ngayon ay kagaya rin sila ni Ninang Nimfa na pipilitin ako sa bagay na hindi ko gusto? Though, naiintindihan ko naman si ninang kung bakit niya ako pinipilit na mag-artista. Gusto lang niya ang makakabuti sa akin. Pero hindi ko talaga gusto ang gusto niya para sa akin.
“Nanay, tatay… sana kung nasaan man kayo ay gabayan n’yo ako…” Hinalikan ko ang litrato at ibinalik iyon sa dating kinalalagyan.
Bumalik na ako sa pagkakahiga at ipinikit ang aking mga mata hanggang sa ako ay makatulog na…
Chapter 04
KANIKA’S POV
WALANG patid ang pag-agos ng luha sa aking mga mata matapos kong makita kung paano namatay o mas tamang sabihin ang kung paano pinatay ang aking mga magulang. Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa labis na kalungkutan at pagluluksa na lumulukob sa buo kong pagkatao nang sandaling iyon.
“Hayop sila!” Sa wakas ay nagawa ko nang makapagsalita.
Mataman akong tumingin kay Leya. “At ano ang magagawa ko para sa mundo ng aking ina at ama?” tanong ko. Hindi pa rin bumabalik sa normal ang tibok ng aking puso.
“Malaki ang magagawa mo para sa Erkalla, Kanika. Malaki ang magiging bahagi mo sa pagbabalik ng dating Erkalla.”
O kung alam man niya, ayaw lang niya akong masaktan nang dahil sa katotohanan.
“Tara na, Kanika! Baka magsara na ang lagusan!” paalala ni Leya sa akin.
Tumango ako. Naglakad ako papunta sa portal. Nauna na si Leya na pumasok doon. Marahan akong pumasok sa liwanag at hinayaan ko ang aking sarili na lamunin niyon. Naramdaman ko ang paghigop sa akin ng isang bagay na hindi ko naman alam kung ano. Basta para akong dumadaan sa isang tunnel na napakaliwanag. Sa sobrang liwanag ay wala na akong makita. Maya maya ay nakita ko na ang dulo ng portal.
At talagang tinawanan pa niya ako, ha?
Umiling si Leya. “Hindi na iyon sakop ng aking kapangyarihan. Paumanhin.”
“Buhatin mo na lang ako!”
“Nagpapatawa ka ba, Kanika? Sa liit kong ito?”
“Malay ko ba kung malakas ka pala. Small but terrible. Ganoon!”
Chapter 05
KANIKA’S POV
Sana lang ay totoo ang sinabi ni Leya na malapit na kami sa aming pupuntahan. Aba! Ang sakit na kaya ng paa ko.
“Sa susunod mag-iingat ka, bata! Muntik ka nang mamatay dahil sa hindi mo pag-iingat!” sabi niya sa akin.
Ikinuwento ko iyon kay Ninang Nimfa pero hindi niya ako pinaniwalaan. Ang sabi niya ay hindi iyon totoo. Imahinasyon ko lang daw iyon. Likha lang daw ng malikot kong isip dahil nga sa bata ako. Pero kahit bata pa ako noon, alam ko sa sarili ko na hindi iyon likha lamang ng aking imagination. Totoo iyon. Kaya hindi na rin masyadong bago sa akin ang mga taong mayroong magic o kapangyarihan. Siguro magugulat na lang ako kung mas intense pa sa ipinakita ng batang iyon sa akin ang makikita ko dito sa Erkalla.
Ako naman ay namamangha pa rin habang pumapasok doon. Nang tuluyan na akong nasa loob ay muling gumalaw ang mga puno at nawala na ang lagusan. “Wow… m-magic!” Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakita.
Sa mga fantasy movies ko lang nakikita ang mga ito. Malay ko ba na totoo at posible ang mga bagay na napapanood ko dito sa Erkalla.
“Sumunod ka sa akin, Kanika! Ipapakilala na kita sa hari at reyna!”
“O-okay…” nakanganga kong sagot.
Huminto sila sa harapan ko habang ako ay tumayo na rin.
“A-apo n’yo ako? Kayo po ang ina at ama ng aking…” Ibinitin ko ang aking sasabihin. Hindi kasi ako sigurado kung sila ba ang ina at ama ng aking nanay o tatay.
Naku! At binola pa ako ng dalawang ito. Sabagay, sino pa ba ang magbobolahan kundi kaming magkakadugo, `di ba?
“Ah, thank you. Salamat sa inyong lahat…” hindi magkandatuto kong sabi.
“Sa wakas! Dumating na ang ating hinirang!” sigaw ng isang babae.
“Nalalapit na ang pagbagsak ng malulupit na mga Osoru!” Nagsigawan ang lahat.
“Mamayang gabi ay magkakaroon tayo ng simplenmg piging. Lahat kayo ay imbitado! Maaari na kayong bumalik sa inyong mga ginagawa!” turan ng hari.
May ganoon talaga?
Teka, hindi ba’t ito ang gusto ko noon pa? Ang makapaglingkod sa mga tao. `Eto na iyon. Ang katuparan ng aking matagal nang pangarap. Hindi nga lang sa mga tao ako maglilingkod kundi sa mga kalahi kong salamangkero. Pero keri na iyon. Magpapaka-choosy pa ba ako? Makakapaglingkod na ako sa mga kalahi ko, maipaghihiganti ko pa ang kamtayan ng aking mga magulang.
Hindi na ako makapaghintay na makapaharap ko si Prosfera at ang mga Osoru!
Chapter 06
CALVIN’S POV
Katulad nila, ako din naman ay walang ideya sa kung ano ba ang gagawin sa kanila ng alteza. Hindi pa rin niya kasi sa akin sinasabi ang mga susunod niyang hakbang para hindi matupad ang nakitang propesiya ni Matandang Juva. Kaya sa ngayon ay hindi pa rin ako makagawa ng hakbang o plano para pigilan si Prosfera.
Bigla akong kinabahan. “Ano po ba ang gagawin n’yo sa kanila?” Nababahala kong tanong.
“Panoorin mo na lang, Haring Calvin!”
Nang wala nang nakatayo sa mga babae ay saka lang nawala ang usok na lumalabas sa kanyang katawan. Tumawa siya. Isang nakakakilabot na tawa.
“Sa wakas! Hindi na matutupad ang propesiya! Wala nang babae dito sa Erkalla na may edad na labing-pito dahil lahat sila ay pinatay ko na!”
Napaka-wala niyang puso! Talagang kayang-kaya niyang pumatay para sa sarili niyang kapakanan. Hindi siya karapat-dapat na maging diyos ng mga taga-Erkalla. Isa siyang demonyong walang puso!
“Isa kang kahihiyan sa lahi ng mga Osoru! Ano’t kinakalaban mo ako?! Ang dapat sa iyo ay mamatay!”
“Ikaw ang dapat mamatay! Wala kang kasing-sama!” Malakas akong sumigaw at kahit nahihirapan ay sinugod ko pa rin siya.
Muli akong tumayo. “Talagang hindi ko na nanaisin pa na maging hari ng lahing ito kung puro kasamaan lang naman ang pinapakita mo!”
“Tama na ang satsat! Harapin mo na ang iyong kamatayan!”
“Calvin!” Nagulat ako sa biglang pagdating ng aking ina.
“Ina!” Binitiwan ko sandali ang aking mga dala at patakbong yumakap sa kanya.
Naisip ko kasi na kailangan ko silang proteksyunan dahil makakatulong ko sila pagdating ng araw upang mapabagsak si Prosfera. Ngayon ay pupuntahan ko sila upang sabihin na umaanib na ako sa kanila kahit ako ay isang Osoru. Ang hiling ko lamang ay sana’y pagkatiwalaan nila ako.
Ah, alam ko na. Ako ay lilipad na lamang.
Kung gayon ay imposible talaga na ako ay makapasok sa lugar ng mga Ligero. Ngunit hindi dapat ako sumuko!
Alam kong buhay siya at ang kanyang reyna dahil ako mismo ang nagpatakas sa kanila mula sa digmaan. Alam nila na ako ay tutol sa muling pagkabuhay ng alteza.
Napamaang ako sa tinuran ng hari.
“A-ano pong ibig n’yong sabihin? Paano iyong mangyayari gayong sigurado ako na lahat ng batang babae dito sa Erkalla na nasa ganoong edad ngayon ay pinatay na ni Prosfera. Imposible naman na nasa inyong lahi ang tinutukoy sa propesiya dahil sa pagkakatanda ko ay walang sanggol na babae na nakatakas sa digmaan noon.”
Chapter 07
KANIKA’S POV
Maliit na piging pa daw iyon. Ano na lang kung engrande, `di ba? Baka may pa-fireworks na kapag ganoon.
“Bakit ka naman mahihiya? Wala kang dapat ikahiya, aking lira. Dapat pa nga ay maging masaya ka at ngayon ay nandito ka na sa aming piling. Ang piging na iyon ay inihanda naman para sa iyo. Isa pa, ikaw ay simbolo ng pag-asa sa aming lahat dahil ikaw ang magbabangon sa lahi nating mga Ligero.”
Na-touch naman ako nang kaunti sa sinabi ng reyna. Nakaka-overwhelm ang mga salitang kanyang sinabi sa akin. Feeling ko tuloy ay ito na talaga iyong katuparan ng pangarap ko na makapaglingkod sa aking kapwa. This is it!
Isang batang babae ang nakita ako. May dala siyang tatlong piraso ng bulaklak na hindi ko alam ang tawag. Basta mukha siyang rose pero malalaki ang petals at kulay asul iyon. Kumikinang-kinang pa.
Tumakbo ang batang babae palapit sa akin sabay yukod. “Prinsesa Kanika, tanggapin n’yo po ang aking munting alay para sa inyo.” Iniabot niya sa akin ang bulaklak.
Hindi makapaniwalang kinuha ko iyon. “S-salamat…Anong pangalan mo?”
“Ako po si Mira, Prinsesa Kanika,” magalang niyang sagot at nagpaalam na siya sa akin.
Nagtatakang napatingin ako sa reyna.
“O, bakit ganyan ang tingin mo sa akin, Kanika? May problema ba?”
“Tinawag niya akong prinsesa, lola. Hindi naman ako isang—”
“Isa kang prinsesa, lira. Apo ka namin ng hari at anak ka ng anak namin na si Matias kaya ikaw ay isang prinsesa! Iyan ang nakaguhit sa iyong palad!”
Nanlaki ang mata ko at napanganga ako sa aking narinig. Oo nga naman. Hari at reyna ang lolo at lola ko kaya isa nga talaga akong prinsesa! Wow! Nakakatuwa naman. Parang Cinderella nga talaga ang kwento ko. From rags to riches! Riches talaga? E, hindi ko nga alam kung mayaman ba ang lolo at lola ko. Pero sa tingin ko naman higit pa sa materyal na bagay ang meron ang lolo at lola ko. Ang respeto at paggalang sa kanila ng lahat ng mga Ligero ay higit pa sa kahit na anong kayamanan. Aba, mahirap makuha ang respeto ng isang tao, ha.
“Kumusta naman ang iyong gabi, aking lira?” tanong ng hari sa akin.
“Mabuti naman po, lolo. Medyo naninibago lang po ako.”
Natapos ang piging na iyon na may ngiti sa aking mga labi. Ang saya-saya ko talaga. Iyon nga lang, isang malaking pressure sa akin na ako ang pag-asa nilang lahat. Sa ngayon ay hindi ko pa alam kung paano ko ba maapatay si Prosfera pero alam ko na magagawa ko iyon para sa mga Ligero at sa pagkamatay ng aking ina at ama.
Tumango-tango ako. Mukhang kailangan ko ngang matuto ng salamangka. Hindi ko naman siguro magagapi ang Prosfera na iyon ng pagtulay ko lang sa lubid. Iyon lang naman ang alam ko, e.
“Tamang-tama! Eksaktong paglabas ni Kanika sa Enchanted Academy ay labing walong taon na siya. Iyon ang edad na nakasaad sa propesiya kung saan mapapaslang niya si Prosfera,” turan ni Oscar.
“Mainamn kung gano’n. Tila sumasang-ayon talaga sa atin ang pagkakataon,” turan naman ng hari.
Siyempre naman, `no. Hindi pa ako nakakapunta sa paaralan na iyon tapos sasabak agad ako nang mag-isa. Wala pa akong ideya sa kung ano ang meron sa paaralan na iyon. Mas makakabuti kung makakasama ko doon si Leya.
“Mabuti naman po pala kung ganoon, mahal na reyna. Ang akala ko kasi ay mag-isa lang ako doon. Sa totoo lang ay medyo natatakot ako sa gagawin kong ito pero alam kong ito ay isa sa mga hakbang upang magapi at mapaslang ko si Prosfera! Kaya ito ay aking gagawin.”
Oo nga, `no. Sigurado ako na kapag nalaman ni Prosfera ang edad ko tapos isa pa akong babae ay ipapapatay niya agad ako. Nakakatakot naman! Alam ko rin naman sa sarili ko na wala pa akong sapat na kakayahan para kalabanin ang bruhang iyon.
“Ngunit, mahal na reyna, kinakailangang mag-aral doon ni Kanika para naman magising ang kanyang natutulog na kapangyarihan. At tanging ang mahuhusay na mga guro lamang sa Enchanted Academy ang makakagawa niyon. Matagal na nanirahan si Kanika sa mundo ng mga tao kaya naman walang nagturo sa kanya kung paano gamitin ang kanyang kapangyarihan noong siya ay bata pa lamang,” sabi naman ni Oscar.
“Nais ko sanang magpanggap na isang lalaki si Kanika habang siya ay nasa loob ng Enchanted Academy!” deklara ni Calvin na ikinagulat naming lahat.
Ako? Magpapanggap na isang lalaki?
O… M… G!
Chapter 08
KANIKA’S POV
“ANO ito? Walis?” Nakangiwi kong turan nang bigyan ako at si Jareth ng walis ni Calvin. “Magwawalis ba muna kami bago kami magpunta sa Enchanted Academy?”
Paano ay paalis na kami ni Jareth. Ito na kasi ang araw na papasok kami sa Enchanted Academy. Nasa labas na kami ng bahay ng hari at reyna tapos biglang dumating si Calvin na may dalawang walis. Walis tingting siya tapos may mahabang patpat na hawakan.
Ngayon ay hitsurang lalaki na talaga ako. Talagang push na push na ako sa pagpapanggap ko bilang isang lalaki sa Enchanted Academy.
Malakas na tumawa ang hari at reyna sa aking sinabi.
“Nagkakamali ka, aming lira. Hindi ka magwawalis,” sabi ni Reyna Jadis. “Ang walis na iyan ay ang inyong sasakyan ni Jareth para makarating kayo sa Enchanted Academy!”
Ano daw? So, parang magmumukha kaming mangkukulam ni Jareth?
“Pero kung nais mo naman na magwalis muna dito bago tayo umalis, bakit hindi?” biro naman sa akin ni Jareth habang pigil niya ang kanyang pagtawa.
Pabiro ko siyang inirapan. “Sige lang! Pagtawanan mo lang ako, Jareth. Malay ko ba na ito ang sasakyan natin, `no! Saka sa mundo na pinanggalingan ko, pang-walis lang talaga ito. Kapag sumakay ka dito ay isa kang mangkukulam!”
“Ngunit nasa Erkalla ka na, Kanika. Dapat ay masanay ka na sa mga mahihiwagang bagay na iyong makikita!”
“O, tama na iyan at baka kayo ay magkapikunan pa,” turan ng reyna.
Nilapitan ako ng hari at reyna upang yakapin. “Kadarating mo lang ngunit aalis ka na naman, Kanika. Kami ng iyong lolo ay masasabik sa iyong pagbabalik…” malungkot na sabi ni Reyna Jadis.
“Ako rin po. Pero gagawin ko naman ito para sa ating lahi at sa buong Erkalla,” tugon ko.
Matapos nila akong yakapin ay si Jareth naman ang kanilang kinausap.
“Jareth.”
“Mahal na hari?”
“Ikaw na ang bahala sa aming lira. Bantayan mo siya. Huwag mo siyang papabayaan na mapahamak. Gabayan mo siya dahil siya ay bago pa lamang dito sa Erkalla. Ipinagkakatiwala namin sa iyo ang ating hinirang,” ani Haring Davidson.
Yumukod si Jareth sa hari habang nakalagay ang kamay sa dibdib. “Ipinapangako ko po na hindi ko papabayaan ang hinirang. Asahan n’yo po iyan!”
“Kanika…” tawag sa akin ni Calvin. Humarap ako sa kanya. “Sana ay maging mahusay kang salamangkero paglabas mo ng Enchanted Academy. Hayaan mo, paglabas mo doon at pagbalik mo dito ay kukwentuhan kita ng tungkol sa iyong ama at ina!” nakangiti niyang sabi.
“Aasahan ko iyan, Calvin!”
“Sige na. Lumisan na kayong dalawa. Basta, `wag n’yong kakalimutan na mag-ingat. At ikaw, Kanika. Ikaw ay isang lalaki. Huwag mong kakalimutan iyan. At sa pagpasok mo sa Enchanted Academy, hindi na ikaw si Kanika. Ikaw na si Kiko!” paalala sa akin ng hari.
Tumango ako.
Ako ang pumili sa pangalang Kiko bilang pangalan kong panlalaki. Malapit naman kasi sa totoo kong pangalan, `di ba? Saka para madaling tandaan at bigkasin. Baka kasi kapag mahaba ay malito pa ako. Kailangan din kasi talaga naming mag-ingat dahil hindi biro itong gagawin namin. Para kaming mga daga na pumasok sa isang kulungan na puno ng mga tigre.
Matapos naming makapagpaalam nang maayos sa hari, reyna at kay Calvin ay sumakay na kami sa walis. At talagang malakas akong napasigaw nang lumipad iyon nang pagkataas-taas!
“Jareeeth!!!” palahaw ko habang nakapikit.
“Huwag kang sumigaw! Baka mataranta sa iyo ang walis at ihulog ka niyan!”
“Anong sabi mo?!” Bigla akong natakot sa sinabi niya.
Kaya kahit natatakot ako ay pinigilan ko ang pagsigaw.
“Biro lamang! Kalamayin mo lamang ang iyong loob. Umupo ka nang maayos. Hindi mo na naman kailangang kontrolin ang walis dahil alam na niyan kung saan tayo dadalhin!”
Huminga ako nang malalim. Wala naman akong fear of heights. Sanay na ako diyan dahil tumutulay ako sa lubid. Ang talagang ikinakatakot ko lang ay baka makabitaw ako at mahulog. Hindi pa naman ako marunong lumipad! Nakakaloka! Paniguradong patay ako nito kapag nahulog ako. Ang taas kaya ng lipad ng walis na sinasakyan naming, tapos ang bilis pa. Naluluha-luha na nga ako sa lakas ng hangin na humahampas sa aking mukha. Talaga bang ito lang ang mode of transportation dito sa Erkalla? Wala ba silang bus, LRT o kahit jeep man lang?
“Ang saraaap!!!” hiyaw pa ni Jareth.
Mabuti pa itong si Jareth at nag-e-enjoy sa pagsakay ng walis! Sabagay, sanay na siguro siya. Baka mangkukulam siya sa past life niya kaya ganoon. Ako naman ay hindi talaga! Talaga ngang ang daming nakakalokang bagay dito sa Erkalla. Araw-araw ay nagugulat at namamangha ako sa aking mga nakikita.
“Malapit na tayo! Nakikita mo ba iyong tila malaking palasyo na iyon!” Itinuro niya sa akin ang kanyang tinutukoy.
“Oo! Iyon na ba ang Enchanted Academy?” Medyo lumuwag ang aking pakiramdam dahil sa wakas ay malapit na malapit na pala kami. Nahihilo na rin kasi talaga ako sa pagsakay dito sa walis.
“Hindi pa! Kasunod pa niyan ang Enchanted Academy! Ang palasyong iyan ay ang palasyo ng mga Osoru!” At malakas na tumawa si Jareth.
“Hinayupak ka talaga!” gigil na turan ko.
Talagang trip na trip niya akong pag-trip-an palagi!
Nilampasan namin ang palasyong itinuro niya sa akin. Mga limang minuto pa kaming lumipad gamit ang walis hanggang sa may matanaw akong isang malaking palasyo. Pero mas malaki iyon sa nauna. Hula ko ay iyon na ang Enchanted Academy. Ang ganda niyang tingnan dito sa itaas. Ang lawak ng kanyang kinalalagyan. Para talaga akong pumasok sa mga fairy tale books dahil sa mga iyon lang ako nakakakita ng mga ganito. O mas tama kong sabihin na para akong pumasok sa pelikulang Harry Potter!
Chapter 09
JARETH’S POV
Nahirapan akong makatulog nang gabing iyon. Kinukulit niya ang aking isipan, ang mukha niya ang palaging nakarehistro doon. Ang maganda at maamo niyang mukha na hindi nakakasawang pagmasdan. Kahit ba sabihin na mukha na siyang lalaki ngayon dahil kailangan niyang magpanggap habang nasa loob ng Enchanted Academy, ang Kanika na may mahabang buhok pa rin ang nakikita ko sa kanya.
“Oo na. At saan naman sa tingin mo ako pupunta, ha?”
“Sa puso ko!” Tumawa ako nang malakas pagkatapos para isipin niya na biro lamang ang aking sinabi. Kahit totoo naman iyon sa akin.
Hinampas niya ako sa braso. “Hinayupak ka talaga, Jareth! Bilisan mo na lang at para makapunta na tayo sa bulwagan. Baka nakakalimutan mo na kailangan ay naroon tayo bago mag-ika-walo nang umaga,” paalala niya sa akin.
Sana lang ay naroon na siya para naman mawala na itong pag-aalala ko sa kanya. Hindi dapat siya naglalakad nang hindi ako kasama lalo na at bago pa lang siya dito sa Erkalla.
Ngayon ay nakumpirma ko nang mahal ko na nga talaga si Kanika kahit na hindi ko pa siya ganoon katagal na kilala. Hindi naman siguro ako magseselos kung wala lang itong nararamdaman ko para sa kanya.
Naikuyom ko ang aking dalawang kamao. Malalaki ang mga hakbang na nilapitan ko silang dalawa.
Tuluyan na akong lumapit sa kanya. “Bakit ka umalis sa labas ng palikuran? Hindi ba’t ang sabi ko sa iyo ay hintayin mo ako doon?” malamig na tanong ko sa kanya. Hindi ko talaga tinitingnan iyong katabi niyang lalaki.
“Ah, iyon ba. Pasensiya ka na. Hindi ko naman gusto na umalis doon. Kaya lang ay may isang estudyanteng lalaki ang biglang umagaw sa aking bag. Hinabol ko siya. Mabuti na lamang at tinulungan ako nitong si Cyrus!” Kulang na lang ay bumula ang aking bibig sa selos nang hawakan ni Kanika ang balikat ng lalaking iyon. “Ay, oo nga pala, Jareth, ito si Cyrus. Cyrus, siya naman si Jareth—kaibigan ko.”
Kaibigan? Kaibigan lang pala…
‘Sabagay, ano nga ba ang dapat kong asahan, `di ba?
Oo nga pala, parang imposible iyon dahil lalaki ang pagkakakilala niya kay Kanika.
Inabot ko ang kamay niya. Baka naman isipin ni Kanika na masama ang ugali ko sa bago niyang kaibigan.
“Mabuti na lang at dumating ka na, Jareth. Magsisimula na kasi ang programa. Sabi, sasabihin ng puno ng paaralan kung saan ang ating silid. Pagkatapos daw niyon ay may magsasalita daw,” sabi sa akin ni Kanika.
Hindi na lang ako umimik. Umupo na lang ako sa tabi niya. Nasa gitna naming dalawa ni Cyrus si Kanika.
“Wala iyon, Kiko. Mabuti na rin na nangyari iyon dahil naging magkaibigan tayo. Ang totoo kasi niyan ay wala pa akong kaibigan dito,” sagot naman ni Cyrus.
“Maaari bang tumahimik na kayong dalawa dahil magsasalita na ang puno ng paaralan?” saway ko sa kanila. Pero ang totoo ay naiirita lang ako dahil tila ba malapit na agad sila sa isa’t isa.
Tumahimik naman silang dalawa nang mag-umpisa nang magsalita si Ginoong Amarus.
Alam ko kung saan nanggagaling ang galit niyang iyon. Hindi naman lingid sa aking kaalaman ang ginawa ng mga Osoru sa kanyang ina at ama para lamang mabuhay ang alteza ng mga ito.
“Hindi ako isang tanga para hindi ko malaman na nasa paligid lang natin ang mga Ligero. Nararamdaman ko na isang araw ay bigla na lang silang susugod dito sa Erkalla sa oras na hindi tayo handa. Kaya kayong lahat na estudyante dito ay pag-igihin ang pagsasnay dahil ang mga susuway at gagawa ng hakbang na hindi ko magugustuhan ay aking paparusahan. Depende naman iyan sa klase ng kasalanan na inyong gagawin. Kung mababaw lamang, mababaw din ang kaparusahan. Ngunit kung ito ay hindi talaga kanais-nais para sa akin? Kamatayan ang aking ipapataw! Tandaan n’yo na ako ay palaging nandito upang kayo ay panoorin sa bawat kinikilos n’yo!”
Nangako ako sa hari at reyna na hindi ko siya papabayaan at poprotektahan ko siya sa lahat ng oras. Paano ko naman siya mapoprotektahan kung hindi kami magkasama sa iisang kwarto, `di ba?
Chapter 10
KANIKA’S POV
Sa ngayon ay naglalakad na kami nina Jareth at kasama namin si Cyrus papunta sa aming magiging silid dito sa Enchanted Academy.
Sana naman ay katulad lang din sila nina Jareth at Cyrus na mababait.
“Nandito na pala tayo!” ani Cyrus.
“Paano mo nalaman?” usisa ko.
“Hula ko lang naman.”
Napa-wow na naman ako pagkapasok ko sa loob ng aming kwarto. Meron limang kama na kasya lang ang isang tao. Meron ding mahabang lamesa na may limang upuan. Pwede siyang kainan o hindi kaya ay study table. May limang kabinet din at merong isang palikuran. Ayos naman pala. Mukhang magiging kumportable kaming lahat dito. Hindi naman siya ganoon kaliit. Bahagyang malamig din ang silid kahit wala namang electric fan o air conditioner. Parang ginamitan ng magic ang temperatura ng silid na ito. Magaling!
Tumango ako. “Oo. Kamatayan, gaya ng sinabi ng bruhang si Prosfera kanina!”
“`Wag ka ngang maingay! Baka may makarinig sa iyo. Hindi lang kilos ang dapat mong pag-ingatan kundi pati na ang iyong pananalita.”
Sinimulan na rin niya ang pag-aayos ng mga gamit niya. Pagkatapos namin sa aming ginagawa ay namili naman kami ng aming higaan. Pinili ko iyong sa gitna tapos sa kaliwa ko si Jareth at sa kanan ko si Cyrus. Pinapagitnaan na naman nila ako katulad ng pwesto ng aming mga kabinet.
“Nasaan na kaya iyong dalawa pa nating makakasama, `no?” Maya maya ay biglang tanong ni Cyrus.
“Sana naman mababait sila…” sabi ko.
“Kita mo na? Ganyang klase ng kaibigan ba ang gugustuhin ko? Barumbado? Basag-ulo? Mabuti na lang talaga at hindi ko tinatanggap ang pakikipagkaibigan n’yo…”
“Tarantado—”
“Cyrus, tama na—”
Sa pagkakaalam ko kasi ay magpapalit lang siya ng damit pero bakit medyo matagal na yata siya sa loob. Kung hindi lang nakakahiya sa aking sarili ay baka kanina pa ako pumasok sa loob. Pero ayoko pa ring gawin iyon. Palikuran iyon ng mga lalaki. Baka may makita ako na hindi ko dapat makita. Hindi man nila alam na babae talaga ako pero ako, alam ko.
Nawala ang pagkatulala ko. “Magnanakaaaw!!!” Malakas kong sigaw sabay habol sa kanya.
Binitiwan ko si Cyrus at nilapitan ang lalaki na nagpakilala na Hamir.
Wish ko lang, sana ay hindi sila nakahalata sa pagtili ko kanina. Kasalanan naman kasi nitong si Jareth. Nakakagulat siya! Bigla-bigla na lang nanununtok! Nakakaloka siya, ha. Wala naman akong sinabi na suntukin niya.
“Kahit na. Hindi mo dapat siya sinuntok—ayyy!!!”
“At bakit ako aalis dito?”
“Dahil magnanakaw ka! Ikaw iyong humablot sa bag ko kanina! Hindi ko pwedeng makalimutan iyang pagmumukha mo!” Dinuro-duro ko na naman siya sa mukha.
“Nakakainis!” sigaw ko.
“Pwede bang tumahimik kayong apat? Nagbabasa ako!” sita ng lalaking hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam ang pangalan.
Chapter 11
KANIKA’S POV
Saka, bakit hinahayaan ng pamunuan ng Enchanted Academy ang katulad niya dito? Dapat hindi sila nagpapapasok ng magnanakaw dito. Paano na lang ang seguridad at kaligtasan ng mga nag-aaral dito, `di ba?
Hay, ewan! Mukhang wala na rin naman talaga akong magagawa kundi ang pagtiisan na kasama ko si Hamir sa iisang kwarto. Hindi ko na lang siguro siya papansinin. Iisipin ko na lang na apat lang kami dito. Parang tatlo nga lang. Kasi iyong isa ay parang may sarili namang mundo. Ako, si Jareth at Cyrus lang yata ang magiging magkausap lang dito.
“Sino po sila? Ano po ang kailangan n’yo?” magalang kong tanong.
Sana ganoon din sa mundo ng mga tao para kapag may hindi ka gustong makausap tapos kinukulit ka pa rin niya, maglalaho ka na lang. Ang astig siguro kapag ganoon!
Nagulat ako nang biglang kumawala ang papel sa aking kamay at kusa iyong dumikit sa dingding. Wow… magic na naman! ‘Sabagay, dapat na talaga akong masanay sa mga ganitong bagay. Baka kapag palagi akong nagugulat kapag may kakaibang nangyayari ay makahalata na sila sa akin na hindi ako lumaki dito sa Erkalla. Deadma na lang dapat ako sa mga mahika.
Wow! At talagang may oras pala ang pagkain dito, ha? Hindi pwedeng kumain ka sa oras na gusto mo. Talagang madidisiplina kaming lahat dito.
Lima. Tig-iisa kami. Grabe talaga dito sa Enchanted Academy. Wala na nga kaming binabayaran tapos parang hotel pa ang dormitoryo nila. Iba din talaga!
“NAIS mo ba munang maupo?” tanong sa akin ni Jareth.
“Sige. Medyo masakit na rin ang paa ko dahil sa paglalakad natin,” nakangiwi kong sagot sa kanya.
“Jareth—” May sasabihin sana ako kay Jareth pero hindi na naituloy.
Paglingon ko kasi sa kanya ay nahuli ko siyang titig na titig sa akin. Iyong klase ng titig na para bang…gusto niya ako. Namula tuloy ang mukha ko. Pabiro ko siyang sinapak.
“Hoy! Kung ice cream lang ako, kanina pa ako natunaw sa titig mo!” biro ko.
“Ice cream?”
“Pagkain iyon sa mundo namin. Hindi mo iyon alam!”
“Kanika…may nais lang sana akong itanong sa iyo kanina pa.”
“Ang seryoso mo naman. Ano naman iyon?”
“Napansin ko kasi na parang ang saya-saya mo sa mga bago nating kaibigan. Gusto ko lang sanang itanong sa iyo kung…” Ibinitin niya ang kanyang sasabihin. Parang nag-aalangan siya sa itatanong niya.
“Kung ano?”
Umiling si Jareth. “Ah, wala. Kalimutan mo na lang ang aking sinabi.”
“Ha? Anong kalimutan? Sige na, ituloy mo na ang tanong mo.”
“`Wag na. Hindi naman importante—”
“Sabihin mo na kasi!”
“Huwag na sabi!”
“Sabihin mo na! Isa—”
“Kung may nagugustuhan ka na ba kina Hamir, Cyrus at Evrio!” mabilis niyang sabi.
Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabing iyon ni Jareth dahil hindi ko naman inaasahan na ganoong klaseng tanong ang itatanong niya. Hindi ako handa! Pakiramdam ko tuloy ay nasa hot seat ako ngayon.
Chapter 12
KANIKA’S POV
ISANG malakas na tawa ang pinakawalan ko matapos kong matulala nang ilang segundo sa tanong ni Jareth. Hinampas ko siya sa braso. “Nagpapatawa ka ba, Jareth? Bakit naman ako magkakagusto sa tatlong iyon?” Umiling ako. “Wala akong gusto kahit isa sa kanila. Pag-aaral ng salamangka ang dahilan kung bakit ako nandito at hindi para umibig!” sagot ko sabay iwas ng tingin.
Bakit ba parang nailang ako bigla?
Ah, alam ko na. Para kasing may crush ako kay Evrio. Ewan ko lang, ha? Pero wala lang. May something kasi talaga sa kanya na hindi ko ma-explain. Crush lang naman, e. Wala naman sigurong masama doon. Inspirasyon lang, kumbaga.
“Mabuti naman kung ganoon. Alam mo ang dahilan kung bakit ka nandito,” ani Jareth.
“Alam mo, kung anu-ano na ang nasasabi mo. Ang mabuti pa siguro ay bumalik na tayo sa ating silid. Tila kulang ka lang sa pahinga.”
“Siguro nga.”
Nauna na ako sa pagtayo sa kanya. Naglakad na kami pabalik ng kwarto namin. Pagdating namin doon ay naabutan namin si Hamir na natutulog kaya hindi kami nag-ingay. Baka magising pa namin ang mokong na iyon, magalit pa sa amin.
Humiga na lang din ako at ipinikit ang aking mata. Kahit maaga pa ay pinilit ko na lang ang matulog. Tutal naman ay wala na akong gagawin.
“KUMUSTA ka naman po diyan?” nahihiyang sabi ko kay Gurong Hipolito.
“Ayos na ayos lang ako dito, Kiko. Ikaw ba? Kumusta ka naman? Mukhang base sa aking nakikita ay hindi mo kayang gawin ang unang pagsubok ko sa inyo. Kahit batang salamangkero ay kayang-kaya iyang gawin.”
Ah, so, basic magic pa lang pala ito.
Diyos ko! Basic pa lang pero hindi ko na magawa. Paano na lang iyong mga susunod pa? Pati na rin sa iba naming klase. May pakikipaglaban pa kaming klase na kasunod. Sa pakikipaglaban, kung sabunutan at suntukan lang naman ay kaya ko. Sa paglikha ng mahika lang talaga siguro ako mahihirapan.
Lord, tulungan n’yo po ako!
“Mahaba pa ang oras bago sumapit ang susunod na klase natin. May gusto ba kayong puntahan?” tanong ni Cyrus.
Kung makapagtanong naman si Cyrus, parang may iba pa kaming pupuntahan. E, bawal nga kaming lumabas, `di ba? Mabuti sana kung may mall o theme park dito sa loob ng Enchanted Academy. Wala naman!
Maya maya ay bigla na lang sumulpot si Hamir sa tabi ko. Nakangisi siya.
“Para ka namang bata, Kiko!” Natutuwang ginulo ni Cyrus ang buhok ko.
Tinabig ni Jareth ang kamay ni Cyrus. “Huwag mo ngang hahawakan—guguluhin ang buhok ni Kiko. Alam mo bang ilang oras niya iyang inayos tapos guguluhin mo lang!” Matabang na saway pa niya kay Cyrus sabay tawa nang mahina.
Nagtataka akong napatingin kay Jareth. Parang totoo kasi iyong galit sa pagsasalita niya. Malakas talaga ang pakiramdam ko na may hindi sinasabi sa akin si Jareth…
Chapter 13
HAMIR’S POV
Napasuntok naman sa hangin si Cyrus. “Oo nga, `no? Sayang! Ang galing ng iyong taktika, Kiko. Kung nagpahuli rin sana ako, ako ang mapapansin ng mga babae na naroon pa na naghihintay sa labas ng silid-aralan ni Gurong Hipolito! Iba ka rin pala dumiskarte!” Inakbayan ni Cyrus si Kiko na napansin ko ang biglaang pamumula ng kanyang mukha.
Nakasilip ako no’n sa bintana at nakikita ko sa pagmumukha ni Kiko na hindi niya kayang baguhin ang kulay ng tubig. Pinagpapawisan na siya nang oras na iyon. Halatang hirap na hirap siya kahit na pangkaraniwang mahika lamang ang baguhin ang kulay ng tubig. Napakasimple lamang niyon na kahit batang salamangkero ay kayang gawin. Ngunit si Kiko ay iba, hindi niya talaga kaya.
Ako ang dapat purihin pero ayos lamang kahit hindi na. Ganti ko na lamang iyon sa nagawa kong kasalanan sa kanya— iyong pagnakaw ko sa kanyang sisidlan ng mga gamit.
Ginawa ko lang naman iyon dahil wala akong masyadong gamit na dala dito sa Enchanted Academy.
Ngunit ayon sa kwento ng aking kinalakhang magulang ay hindi naman ganoon ang Erkalla dati. Matiwasay daw ang kanilang pamumuhay noong ang mga salamangkerong puti o lahi ng mga Ligero pa ang namumuno sa Erkalla. Nagapi lamang ang Ligero ng Osoru sa isang digmaan kaya napunta sa kamay ng mga Osoru ang Erkalla. Malayong-malayo na raw ang Erkalla noon sa ngayon.
Iyon ay upang mabuo na ang aking pagkatao. Hindi ko alam kung sinadya ba nila akong iwanan o hindi pero wala na akong pakialam doon. Ang nais ko lang ay makilala sila. Iyon lang at wala nang iba pa.
Baka sakaling makita ko sila o kaya ay makasalubong, agad kong ipapakita sa kanila ang kuwintas na iyon upang aking makumpirma kung sila nga ba talaga ang aking ama at ina.
Ngunit, marami na ring taon ang lumipas pero hindi ko pa nakikita ang dalawang tao na nasa aking kuwintas. Minsan nga, nawawalan na ako ng pag-asa. Baka nga wala na sila at nasa piling na sila ni Bathala. Baka nga, umaasa na lamang ako sa wala.
Masyado kasi akong nadala sa pagbabalik-tanaw kaya nakalimutan ko ang pagkain sa aking harapan. Ngunit kahit na nakalimutan ko ang ilan sa aking nakaraan ay may alaala ako na hinding-hindi ko nakakalimutan. Ang alaalang iyon ay tila ba napreserba sa aking isipan sa hindi ko malamang dahilan. Isang alaala na kapag aking naaalala ay hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.
Chapter 14
KANIKA’S POV
Ewan ko kung mali ako ng pakiramdam pero iyon ang nararamdaman ko. Hindi tuloy ako nakapagsalita. Umurong bigla ang dila ko na para bang hindi ko kayang magsinungaling sa kanya.
Doon lang ako nakahinga nang maluwag. Nagbibiro lang pala siya. Galing na mismo sa bibig ng mayabang na si Hamir. Pero bakit hindi pa rin ako mapalagay?
Bumalik na ako sa aking higaan at nagkatinginan na lamang kami ni Jareth.
Isa pa, paano naman niya malalaman, e, sobrang ingat ko kaya. Lalo na sa kilos at pananalita ko. Iyon nga lang, minsan ay hindi ko maiwasan ang hindi irapan si Hamir dahil nakakairita naman talaga siya. Sa ganoong paraan ko lang kasi nailalabas ang pagkainis ko sa kanya. Ngunit, sa susunod ay kailangan ko na talagang mag-ingat para hindi na niya ako paghinalaan.
Sa pag-aaral ng mahika na lang dapat ako mag-focus at hindi sa Hamir na iyon. Sobrang na-disappoint talaga ako sa aking sarili dahil hindi ako nakagawa ng bolang enerhiya. Ako ang pag-asa ng lahi ng Ligero. Itinuturing nila akong hinirang at itinakda na papatay kay Prosfera ngunit paano ko magagawa iyon kung simpleng mahika lamang ay hindi ko kayang gawin.
Kung kinakailangan na mag-practice ako kahit hindi oras ng klase ay gagawin ko! Kailangan kong magpursige nang husto. Extra effort kumbaga. Tama. Mamaya, kapag tulog na ang lahat ay magsasanay ako sa paggawa ng bolang enerhiya para bukas sa klase ni Gurong Satir ay marunong na ako. Pero matutulog muna ako ngayon para mamayang madaling araw kapag magpa-practice na ako ay hindi ako aantok-antok.
Grabe naman sila. Hindi man lang nila ako ginising, ha! Lalo na itong si Jareth. Naku, humanda talaga siya sa akin mamaya.
Pero pwede pa naman siguro akong humabol, `no?
Nandito na ako sa likurang bahagi ng Enchanted Academy kung saan naroon ang malaking puno ng balete.
Ano bang nangyayari? Tinapik-tapik ko ang aking pisngi at baka nae-engkanto na ako.
“Hoy, bumaba nga kayong dalawa diyan. Mamaya mahulog kayo, e. Ako pa masisi!” Naba-bother lang ako na mahulog sila dahil nasa iisang sanga lang sila nakaupo.
Hindi kaya magkasintahan sila at nagde-date sila sa itaas ng puno? Naku, nakaistorbo pa yata ako sa kanila. Nakakahiya naman. Baka isipin nila na ang bitter ko para gambalain sila.
“Ah, sige, aalis na ako. Sorry. Nakaistorbo pa yata ako sa inyo.” Hindi pa man ako nakakatalikod nang tawagin ng babae ang aking pangalan.
Ano na ang gagawin ko? Teka…baka naman madadala sila sa mahinahon na pakiusapan. Tama! Ganoon ang gagawin ko. Mahinahon ko silang papakiusapan na huwag nilang ipagsabi sa iba ang sikreto ko.
At talagang papahirapan pa nila ako, ha? Hindi ba pwedeng sabihin na lang nila kung sino sila? Pero dahil hindi naman nila sasabihin sa iba ang sikreto ko ay ginawa ko na lang ang sinabi ng babae.
Nakangiti silang tumango. Nangilid ang luha sa gilid ng aking mata. “B-bakit? P-patay na ba ako? Binangungot ba ako at hindi na nagising?”
“Hindi ka pa patay, anak. Ito ay panaginip mo lamang—”
Wala na akong inaksaya pang pagkakataon. Niyakap ko silang dalawa nang buong higpit at umiyak nang umiyak. Naramdaman ko ang kanilang pagganti ng yakap sa akin. Kahit panaginip lang ito, at least, nayakap ko ang aking tunay na mga magulang.
Masuyong hinaplos ng aking ina ang likod ng aking ulo. “Tahan na, Kanika. Nagpakita lamang kami sa iyo upang sabihin sa iyo na ikaw ay aming ipinagmamalaki ng iyong ama…”
Panaginip nga lang ang lahat. Pero kahit panaginip lang iyon ay masaya pa rin ako. Parang totoo kasi ang lahat. Iyong hawak nila sa akin, totoong-totoo. Tila ba hindi pa sila patay.
Chapter 15
KANIKA’S POV
Ah, kaya naman pala hindi ako makabuo-buo ng bolang enerhiya. Pero kailangan kong panindigan ang chant na sinasabi ko. Sigurado na pagtatawanan na naman ako nitong si Hamir kapag nagpasalamat ako sa kanya.
Naningkit ang mata ko sa sobrang inis sa kanya.
Patay na! Napasubo na ako sa isang ito. Ang kulit kasi. Ayaw pang umalis!
Sa mukha niya ay mukhang hindi talaga siya aalis hangga’t hindi ko ginagawa ang gusto niya. Okay, sige na nga. Pagbibigyan ko na ang isang ito. Bahala na. Basta, ang importante ay umalis na siya para naman makapag-ensayo na ako nang maayos. Tutal naman ay alam kong mali ako sa chant na sinasabi ko kaya hindi ako makagawa ng bolang enerhiya. Magiging madali na sa akin ang lahat.
Ang yabang! Nakakainis talaga ang hinayupak na Hamir na iyon!
Diyos ko! Napatay ko yata siya. Huwag naman sana! Kung may gusto man akong patayin, si Prosfera iyon at hindi ang kahit na sino. Pero ito ang gusto ko, `di ba? Ang sabi ko pa nga kapag natuto akong gumawa ng bolang enerhiya ay itatapon ko iyon kay Hamir. Nagjo-joke lang naman ako. Kahit naman sobrang yabang niya ay hindi pa rin iyon sapat na dahilan para saktan ko siya.
Sa kabilang banda, masaya na rin ako dahil nakagawa ako ng bolang enerhiya at sa pamamagitan lang ng isipan ko. Aksidente lang iyon pero, at least, ngayon alam ko na sa aking sarili na hindi totoong wala akong mahika sa aking katawan. Tama ang aking nanay, ang dapat ko lang gawin ay maniwala sa aking kakayahan.
Gusto ko siyang sugurin ng oras na iyon pero mabuti na lang at napipigilan ko pa ang aking sarili. Hindi pa ito ang tamang panahon para gawin ko iyon. Wala pa ako sa edad na labing-walo at isa pa, hindi pa sapat ang aking kapangyarihan para magapi ang diyos-diyosan ng mga taga-Erkalla.
Mabuti naman at kasundo ko na lahat ang kasama ko sa kwarto. Mukhang okay din naman pala talaga itong si Hamir. Kailangan lang pala talagang masaktan ko siya bago kami maging magkaibigan.
Chapter 16
KANIKA’S POV
Wala naman akong nararamdaman na panganib o takot sa aking dibdib. Parang ang gaan-gaan pa nga ng aking pakiramdam. Feel good lang, kumbaga.
“Sino ka?” tanong ko sa kanya.
Imbes na sagutin ang aking katanungan ay inilahad ng lalaki ang kanyang kamay. “Maaari ba kitang maisayaw, Kanika? Sayang ang romantikong tugtugin,” anyaya niya.
“Ah, sige.” Walang pag-aalinlangan na tinanggap ko ang kanyang kamay. Hindi na rin ako nagtanong kung bakit niya ako kilala.
Titig na titig ako sa kanyang mukha dahil baka sakaling maaninagan ko kung sino ba siya. Pero hindi effective ang ginagawa ko. Talagang balot na balot ng liwanag ang kanyang buong mukha!
Halos limang minuto na kaming nagsasayaw nang kulitin na ako ng aking curiosity. “Sino ka ba talaga? Bakit may liwanag ang iyong mukha?” tanong ko sa kanya.
“Kahit ako ay hindi ko alam kung sino ako. At tungkol naman sa liwanag sa aking mukha, ako ay may ganito dahil ikaw ay tila naguguluhan,” tugon ng lalaki.
“Ha? Ako pa talaga ang magulo. E, sa sinabi mo, mas naguluhan ako. Bakit kasi hindi mo pa sabihin sa akin kung sino ka?”
“Ikaw lang ang makakapagsabi kung sino ba ako, Kanika. Dahil ako ang lalaking itinitibok ng iyong puso ngunit ipinagsasantabi mo lang.”
“H-hindi kita maintindihan…” Naguguluhan na talaga ako sa sinasabi niya.
“Ipikit mo ang mga mata mo at kapain mo sa puso mo kung sino ako, Kanika…”
“Kakain na tayo ng agahan sa kantina. Ikaw na lang ang hinihintay naming lahat.”
Malaki ang naitulong ni Miya kay Evrio sa pagbabago nito ng kaunti. Aba, biruin mo nga naman na kung sino pa ang tatahi-tahimik sa apat na lalaking kasama ko ay siya pa pala ang unang magkakaroon ng nobya!
Pagkasara ko ng pinto ay nanghihinang napasandal ako doon. Paano ay parang napansin ko na naman na alam na ni Hamir na isa akong babae. Malakas talaga ang kutob ko. Pero paano naman niya iyon malalaman, `di ba? Baka naman napa-paranoid lang ako. Ganito nga siguro kapag may itinatago ka. Feeling mo ay palaging may nakakaalam kahit wala naman.
Ay, teka. Hindi nga pala ako pwedeng mainggit sa kanila. Saka na ang love life na iyan kapag natapos ko na ang aking misyon at kung bakit ako nandito sa Erkalla. Baka hindi ako makapag-focus kapag inuna ko pa ang paghahanap ng boyfriend.
Ganoon na lang din ang aking ginawa. Mabilis kong tinapos ang aking pagkain.
“Ano nga pala ang sasabihin mo sa akin, Kanika? Bakit kailangan nating mag-usap nang tayong dalawa lamang?” Kapag kaming dalawa lang ay tinatawag niya ako sa tunay kong pangalan.
“A-ako nga, Jareth…”
“Anong ginagawa mo dito? Bawal ka dito! Paanong…” Lumipat ang tingin sa akin ni Jareth. Sa mga mata pa lang niya ay alam kong pinagpapaliwanag niya ako.
“Hindi ako nababaliw para gawin iyon. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Nandito na si Leya. Basta, mag-ingat na lang kayo na walang makaalam—”
Chapter 17
JARETH’S POV
Hindi pa rin nagsasalita si Kanika. Nakatingin lang siya sa aking mata. Nabigla ko siya, alam ko iyon.
“Tama ka. Maibabalik na rin ang dating payapang Erkalla…”
“Ngunit ako ay nalulungkot pa rin dahil hindi kayo parehas ng nararamdaman…” singit ni Leya na lumipad at umupo sa kanang balikat ni Kanika.
Magsasalita pa sana ako nang may bigla akong narinig na boses sa loob ng aking ulo. Tinatawag niyon ang pangalan ko at ni Kanika. Hindi ako maaaring magkamali. Tinig iyon ni Calvin.
“Paano kung hindi?” Hinawakan niya ako sa braso at niyugyog iyon. “Sige na, Jareth! Naiinip lang talaga ako ngayong araw lalo na at wala naman tayong klase. Saka walang klase ngayon, ibig sabihin ay nasa kanyang palasyo si Prosfera at wala sa kanyang silid dito sa paaralan.”
“Hindi talaga. Magtungo na lamang tayo sa ating silid o kaya ay mag-ensayo. Mas maganda pang gawin iyon kesa sa sinasabi mong pumunta tayo sa silid ng alteza ng mga Osoru. Masyadong mapanganib!”
“Mabuti na lang pala at gusto ring gawin iyon ni Kiko kaya sasama ako. Nais kong makita ang laman ng silid ni Alteza Prosfera. Isa iyong magandang karanasan bilang isang mideo!” Nakalapit na si Hamir sa amin. Nakanganga lang si Kanika sa kanya.
“Magandang karanasan? Pagpapakamatay ang gagawin n’yo!” giit ko.
Kumibit-balikat si Hamir. “Gaya ng sinabi ni Kiko, kung ayaw mong sumama, huwag. Kaming dalawa ang tutungo doon. Nakakainip din kasi ang araw na ito.” Tumingala siya at tumingin sa kalangitan. “Masarap gumawa ng bawal…Ano, Kiko? Tara na?”
Mamaya kung ano pa ang mangyari kay Kanika tapos wala ako sa kanyang tabi. Ipinagkatiwala pa naman siya sa akin ng hari at reyna ng Ligero kaya ako ang masisisi oras na may mangyaring hindi maganda sa itinakda.
Nauna na silang dalawa sa paglalakad habang ako naman ay may kung anong naramdaman. Tila ba bigla kong naramdaman na parang may nakamasid sa amin. Tumingala ako sa may itaas ng puno ng balete ngunit wala naman akong nakita. Marahil ay guniguni ko lamang iyon.
“SIGE! Sige! Turuan mo ako, ha! Gusto ko ring matutunan iyan. Parang ang astig lang!”
“Ano ba? Ang ingay n’yong dalawa. Gusto n’yo bang may makahuli sa atin dito? Alam n’yo naman siguro ang mangyayari oras na mahuli tayo na nandito.” Medyo naiinis kong sambit.
“Ang sungit mo naman, Jareth. Oo na. Tatahimik na. Ito na pala ang silid ni Prosfera…” Naunang maglakad si Kanika habang panay ang linga niya sa paligid.
“Kiko!” malakas na sigaw ko nang makita kong mahuhulog siya.
Tumakbo ako nang mabilis para saluhin siya pero mas nauna si Hamir na gawin iyon. Dahil may kakayahan siyang maglaho ay mas nauna niyang nasalo si Kanika. Nagkatitigan pa ang dalawa at nakaramdaman ako ng panibugho. Mabilis ko na lang na iniwas ang tingin ko para hindi na ako masaktan pa.
“Ayos ka lamang ba, Kiko? Sa susunod ay mag-iingat ka,” nag-aalalang sabi ni Hamir.
“A-ayos lang naman ako. Maraming salamat…”
Chapter 18
KANIKA’S POV
MASAKIT para sa akin na nasaktan ko si Jareth sa pag-amin ko na hindi ko siya mahal at kaibigan lang ang tingin ko sa kanya. Hindi man niya sinabi pero naramdaman ko, nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya. Pero masaya pa rin ako dahil hindi naman siya nagalit sa akin. At upang maiba ang mood namin ay inaya ko siyang magpunta kami sa silid ni Prosfera dito sa Enchanted Academy. Noong una ay ayaw niya pero nang biglang dumating si Hamir at sinabi nito na siya ang sasama sa akin ay biglang nagbago ang isip ni Jareth. Sumama na rin siya sa amin ni Hamir.
Nginitian ko siya. Marahan kong inalis ang kamay niya mula sa pagkakakapit sa akin. Sumenyas ako sa kanya na okay lang.
Ah, baka may problema lang siya kaya parang iba ang tingin ko sa kanya. O baka naman katulad ni Evrio ay in love din.
Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat. Isang traydor si Cyrus! Pinaniwala niya na tunay siyang kaibigan kahit ang totoo ay pakawala siya ni Prosfera. Nakumpirma niya ang tunay kong pagkatao dahil sa narinig niya iyon sa pag-uusap namin ni Jareth.
Mukhang alam ko na. Tumakas sila. Mabuti naman kung ganoon dahil ayokong madamay sila sa gulong ito.
Mas tumindi ang usok na pumapasok sa katawan ni Cyrus. Gusto ko nang umalis nang mga sandaling iyon para tumakas pero hindi ko magawa. Nanghihina pa rin ako dahil sa pagkakasakal ni Cyrus sa akin kanina.
Ngayon ay napatunayan ko nang wala ngang kasing-sama si Prosfera. Ang dapat dito ay mamatay!
“Pakawalan mo ako! Hayop ka!” Pumalag ako pero walang kwenta iyon. “Kung papatayin mo na ako, patayin mo na ako ngayon, Prosfera!”
Umiling ito. “Huwag kang magmadali sa iyong kamatayan, Kanika. Bago kita tuluyang patayin ay gusto muna kitang pahirapan. Unti-unti. Gusto ko iyon! Ganoong kamatayan ang nararapat sa iyo. Naiintindihan mo ba?!”
Chapter 19
HAMIR’S POV
Kinailangan nitong mag-aral sa Enchanted Academy upang matuto ito sa pagmamahika at pakikipaglaban. Matagal daw kasi itong nanirahan sa mundo ng mga tao kaya wala itong alam sa ganoong bagay. Nagpanggap na isang lalaki si Kanika dahil sa alam ng mga Osoru at ni Prosfera na babae ang itinakda at ang edad nito ay labing-pito sa ngayon. Kaya upang hindi mapaghinalaan ay ginawa iyon ni Kanika.
“Basta. Ang importante ay ligtas pa si Kanika. Sa ngayon ay magtatago muna tayo dahil mainit na rin ang mata sa atin ng mga Osoru at ni Prosfera. Sigurado akong alam na nila na kasama tayo ni Kanika. Pero malakas ang aking kutob na papatayin rin siya ni Prosfera sa pagsapit ng kanyang kaarawan.”
“Kung gayon ay dapat tayong kumilos bukas upang iligtas si Kanika. Sa makalawa na ang kanyang kaarawan!”
Kaya naman ng pagsapit ng gabi ay sa labas kami nagpalipas ng gabi. Pero hindi namin magawang makatulog lalo na’t alam namin na nasa panganib si Kanika.
MAY ilang estudyante pa na binabato siya. Masakit para sa akin na makita si Kanika na ginaganoon, sinasaktan. Parang dinudurog ang aking puso.
“Ako nga pala si Kanika. Ikaw, anong pangalan mo?” Inilahad niya ang kanyang kamay pero hindi ko iyon tinanggap. Inunahan ako ng hiya.
“Hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan ko,” sabi ko na lang.
“Bakit?”
“Basta. Hindi pwede. Hindi naman ako taga-rito, e.”
“Ah. Saang barangay ka ba? Teka, gusto mo bang maglaro tayo?”
Agad kong napansin ang hugis pakpak ng ibon na parang marka sa kanyang braso. “Ano iyan?” Itinuro ko pa nga iyon.
“Birth mark ko daw iyan sabi ng aking ninang. Hugis wings, `di ba?”
“Palatandaan?”
“Ganoon na nga!”
“Akala ko ay nasugatan ka sa ilog. Mabuti naman at hindi.”
“Ano? Maglalaro na ba tayo?”
“Hindi pwede. Uuwi na ako sa aking mundo.” Pagkasabi ko niyon ay naglaho na ako sa kanyang harapan at bumalik na ako sa Erkalla…
Alam kong si Kanika lang ang may ganoong marka kaya nang araw na iyon ay alam ko nang siya iyon at hindi siya tunay na lalaki.
Kaya naman dahil siguro sa alam kong isa talagang siyang babae at nakilala ko ang kanyang ugali ay nahulog na ako nang tuluyan sa kanya. Tama si Jareth, mahal ko si Kanika.
Tunay ngang siya ay isang matapang na babae. Mas lalo tuloy nadadagdagan ang paghanga ko sa kanya.
“At ang babaeng ito ay nararapat lamang na patawan ng kaparusahang kamatayan. Siyempre, sa kamay ko siya dapat malagutan ng hininga!” pagpapatuloy ni Prosfera.
Sigurado ako na iyon ang gagamitin ng demonyong alteza sa pagpatay kay Kanika. Kailangan na naming kumilos ni Jareth!
Chapter 20
KANIKA’S POV
Gusto ko talagang makatulong sa mga katulad kong mahihirap dahil nararanasan ko kung paano maging sila. Hindi madali. Araw-araw ay palaging pakikipagsapalaran. Nagbago lang ang lahat nang malaman ko na hindi ako isang normal na tao kundi isang salamangkero na nakatira sa mundo na kung tawagin ay Erkalla. Ang dami kong natutunan sa mundong ito. Bukod sa mga mahika at salamangka ay nalaman ko rin ang iba’t ibang kulay ng iyong kapwa.
Hindi ko naisip iyon noon. Pero ngayon, tila ang pag-asang iyon ay mawawala na lalo na’t nasa kamay na ako ni Prosfera. Paano kung magtagumpay siya sa pagpatay sa akin? Parang hindi ko kayang makita ang pagguho ng pag-asa ng mga Ligero na siyang pinagmulang lahi ng aking ama.
“Masdan n’yong lahat ang mukha ng babaeng papatay sa akin! Siya lang naman ang isinugo ng mga nagtatago at duwag na mga Ligero dito sa Erkalla para ako ay paslangin. Hindi ba’t isa iyong kalapastanganan sa inyong alteza?!” turan ni Prosfera habang pisil ng kamay niya ang aking baba.
Itinaas na nito ang hawak na espada para itarak sa aking katawan. Kuminang iyon sa tama ng sikat ng araw.
Napaiyak ako dahil sobra akong na-touch sa ginagawa ngayon nilang dalawa. Hindi ko inaasahan na sila pa ang tutulong sa akin ngayon. Matagumpay nilang naitapon sa malayo ang espada ni Prosfera.
Ngunit hinarap sila nina Evrio, Miya, Hamir at Jareth.
“Prosferaaa!!!” Isang malakas na sigaw ng lalaki ang nagpahinto sa alteza para saksakin ako.
Nangigigil na gumanti si Prosfera sa pamamagitan ng pagbato rin ng bolang enerhiya pero nakaiwas ang mga Ligero.
“Hindi kami makakapayag na patayin mo si Kanika na aming lira!” sigaw ni Haring Davidson.
“Hindi ka na nila masasaktan hangga’t hawak kita. Dito lang tayo, hihintayin natin ang hatinggabi hanggang sa sumapit ang iyong kaarawan. Sa ngayon ay hindi ka pa ligtas kay Porsfera dahil wala ka pa sa edad na labing-walo…”
Hala! Totoo nga ang aking narinig kanina. Mahal ako ni Hamir!
Sa labis na tuwa ay niyakap ako ni Hamir. “Sa wakas, nahanap ko na rin ang aking pamilya. Maraming salamat, Kanika! Sana ay matapos na ang digmaang ito para mayakap ko na sila!”
“Anong nangyayari sa iyo, Kanika? Nagliliwanag ang iyong buong katawan!” Hindi makapaniwalang bulalas niya.
Nang tingnan ko ang aking sarili ay nalaman kong totoo nga ang kanyang sinasabi!
“Hindi ako makakapayag na mapatay ako ng isang katulad mo!” galit na sigaw pa nito.
Naramdaman ko ang paggaan ng aking katawan na para bang nahulog ako sa malalim na pagkakatulog.
Masayang nagsigawan ang mga natirang kawal ng Ligero. Isang sigaw ng tagumpay at pagbubunyi dahil sa wakas ay natapos na rin ang madilim na araw sa mundo ng Erkalla…
SA loob kasi ng kuwintas ay nasa loob ang litrato ng nanay at tatay ni Jareth. Sa wakas ay naging magkasundo na rin sila kahit medyo nagbabangayan sila noong nasa Enchanted Academy pa kami.
Ako naman? Narito sa mundo ng mga tao. Sandali lang ako dito dahil nais ko lang dalawin ang aking ninang. Pagpasok ko sa bahay niya ay nakita ko siyang nagluluto sa kusina.
“Para po sa inyo iyan. Malaki ang maitutulong ng mga gintong iyan sa inyo, ninang. Maraming-maraming salamat po ulit! Paalam po. Babalik po ako!” Isang halik sa noo niya ang iginawad ko at muli na akong bumalik sa Erkalla.
“Kanika, kanina pa kita hinahanap. Hindi ba’t ang sabi ko, kapag natapos na ang iyong misyon ay may sorpresa ako sa iyo?” ani Calvin.
“Hala! Oo nga, `no. Muntik ko nang makalimutan. `Buti at pinaalala mo, Calvin. Ano nga pala iyong sorpresa mo?” excited na tanong ko.
Napakasaya ko! Tanggap ko na kasi na wala na ang aking mga magulang ngunit, heto na sila sa aking tabi. Nagpalakpakan ang lahat ng nasa paligid ko. Nag-group hug kami.
Epilogue
ISANG hindi nakikilalang nilalang ang lihim at matagumpay na napasok ang protektadong silid kung saan naroon ang boteng pinagkukulungan ni Prosfera. “Sa wakas! Nakapasok din ako!” masayang bulalas pa nito.
Nakita niya ang bote na nakapatong sa isang lamesa na nasa gitna ng silid na iyon. Isang bote na yari sa ginto at may disenyo ng pakpak ng isang ibon. Dinampot niya ang bote at isang mala-demonyong ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.
Sa isang kumpas lang ng kanyang kamay ay naglaho na siya kasama ang bote.
Hanggang sa mapunta siya sa isang lugar kung saan balak niyang dalhin ang boteng pinagkukulungan ng alteza—sa mundo ng mga tao!
“Malapit na ang iyong paglaya, mahal na alteza…”