Enchanted Academy Book 3 Deleted Scenes

Here are the deleted scenes from Book 3 of Enchanted Academy Complete Edition: CHAPTER 01 ERKALLA—isang mahiwagang mundo na lingid sa kaalaman ng mga tao. Isang sikretong lugar kung saan naninirahan ang mga salamangkero. Mga salamangkerong hindi basta-basta. Labis silang makapangyarihan at malawak ang kanilang kaalaman pagdating sa mahika. Noong unang panahon ay isang malaking digmaan ang naganap sa naturang lugar. Iyon ay sa pagitan ng mga salamangkerong puti o Ligero at salamangkerong itim o mas kilala sa tawag na Osoru. Nagapi ang mga Osoru. Napatay ng mga Ligero ang pinaka makapangyarihang Osoru na si Prosfera o ang tinatawag na alteza. Ang alteza ang pinakamataas na antas ng salamangkero sa Osoru. Matapos ang kaganapan na iyon ay bumalik ang kapayapaan sa Erkalla. Ngunit dagli din iyong nawala sa muling pagkabuhay ni Prosfera sa pamamagitan ng dugo ni Helena. Ang anak nina Mateo at Via. Hanggang isang sanggol ang isinilang. Siya ay si Kanika—ang hinirang. Sa pangalawang pagkakataon, sa pamamagitan ni Kanina ay nagapi si Prosfera. Naikulong siya sa mahiwagang bote na yari sa matibay na pakpak ng hinirang na si Kanika. Sa kasalukuyan ay tahimik na ang Erkalla sa pamumuno ng hari at reyna ng Ligero na sina Davidson at [...]

Enchanted Academy Book 3 Deleted Scenes

Here are the deleted scenes from Book 3 of Enchanted Academy Complete Edition:

CHAPTER 01

ERKALLA—isang mahiwagang mundo na lingid sa kaalaman ng mga tao. Isang sikretong lugar kung saan naninirahan ang mga salamangkero. Mga salamangkerong hindi basta-basta. Labis silang makapangyarihan at malawak ang kanilang kaalaman pagdating sa mahika.

Noong unang panahon ay isang malaking digmaan ang naganap sa naturang lugar. Iyon ay sa pagitan ng mga salamangkerong puti o Ligero at salamangkerong itim o mas kilala sa tawag na Osoru. Nagapi ang mga Osoru. Napatay ng mga Ligero ang pinaka makapangyarihang Osoru na si Prosfera o ang tinatawag na alteza. Ang alteza ang pinakamataas na antas ng salamangkero sa Osoru. Matapos ang kaganapan na iyon ay bumalik ang kapayapaan sa Erkalla. Ngunit dagli din iyong nawala sa muling pagkabuhay ni Prosfera sa pamamagitan ng dugo ni Helena. Ang anak nina Mateo at Via. Hanggang isang sanggol ang isinilang. Siya ay si Kanika—ang hinirang. Sa pangalawang pagkakataon, sa pamamagitan ni Kanina ay nagapi si Prosfera. Naikulong siya sa mahiwagang bote na yari sa matibay na pakpak ng hinirang na si Kanika.

Sa kasalukuyan ay tahimik na ang Erkalla sa pamumuno ng hari at reyna ng Ligero na sina Davidson at Jadis. Kung noon ay tanging mga Osoru lamang ang nakakapag-aral ng mahika sa Enchanted Academy, ngayon ay pati na ang mga Ligero.

Sa pamamahala nina Davidson at Jadis ay napag-isa nila ang salamangkerong puti at itim. Namumuhay na ulit ng magkasama ang magkaibang lahi sa Erkalla. Pantay na karapatan at pagturing. Walang lamangan. Wala nang kailangang magtago. Wala nang gulo.

CHAPTER 02

KUNG inaakala ng mga Ligero na tuluyan na nitong napag-isa ang salamangkerong puti at itim ay nagkakamali ang mga ito.

Galit na galit sila na natalo ang lahi nila laban sa mga Ligero. Nais nila na bumuo ng mas malakas na grupo upang magapi muli ang mga Ligero at mapunta ulit sa kamay ng mga Osoru ang buong Erkalla!

Hindi sila naniniwala na pantay ang tingin ng mga taga-Erkalla sa mga Ligero at Osoru. Lihim siyang nagmamatyag at nasasaksihan niya ang ilang pang-aalipin ng mga Ligero sa mga Osoru. Meron pa ring diskriminasyon na nangyayari at parang nagbubulag-bulagan doon ang hari at reyna.

“Huwag kayong mag-alala dahil ibabangon ko ang lahi natin!” Iyon ang palaging ibinubulong ni Rushka kapag nakakakita ng Osoru na nakakaranas ng pang-aapi at diskriminasyon.

Sa madilim na bahagi sila ng gubat nagkikita-kita dahil hindi iyong pinupuntahan ng mga taga-Erkalla. Ang alam kasi ng mga ito ay marami ditong mababangis na hayop.

Ilang hakbang lang ay narating na niya ang dulo  at naroon na ang sampung Osoru na kaniyang kapanalig. May apoy sa gitna ng mga ito na siyang ilaw doon dahil labis ang kadiliman sa loob ng kuweba.

Agad na yumukod ang mga ito nang makita siya. “Pinunong Rushka!” sabay-sabay na sabi pa ng sampu sa kaniya.

Sa isang kumpas ng kamay ay nawala na ang ilaw sa kaniyang kamay. Pumunta siya sa gitna ng mga ito at isa-isa itong tiningnan. Bakas ang galit sa mukha niya.

“Siyang tunay, Pinunong Rushka! Hindi lang sa pamilihan kundi maging sa paaralan na Enchanted Academy ay nagkakaroon din ng pang-aapi sa ating mga kalahi. Madalas silang pagkaisahan ng mga Ligero na akala mo ay kung sinong nakakaangat sa atin. Isa ang mga anak ko sa nakakaranas niyan sa Enchanted Academy!” sabi ng isang may-edad na Osoru.

Tumiim ang bagang ni Rushka. “Kahit kailan ay walang nakaramdam sa atin ng pagkakapantay-pantay na sinasabi ng hari at reyna nila! Ngunit huwag kayong mag-alala dahil nalalapit na ang pagbagsak ng mga Ligero. Muli nating ibabangon ang ating lahi!” Matapang niyang saad habang nakatingin sa malayo. Umaapoy ang mata niya sa galit.

Napailing ang isang babae. “Pero matagal nang nakakulong sa mahiwagang bote na nasa protektadong silid ang alteza. Paano natin siya makakasama kung nakakulong siya?” Nagtataka nitong turan.

“Wala ba kayong tiwala sa akin? Matagal ko nang plinano ang pagpapalaya sa alteza.” Tiningnan niya ang isang babaeng Osoru na isang tagapag-silbi sa palasyo. “Gilda, nabanggit mo na may narinig kang pag-uusap ng hari at reyna sa hapag kanina. Ano iyon?”

“Oo, pinuno. Aking narinig habang ako ay nagsisilbi sa kanila sa hapunan na magkakaroon ng malaking piging sa palasyo sa makalawa. Iyon ay ang kaarawan ni Kanika at paglilipat ng korona sa bagong hari at reyna.”

CHAPTER 03         

“CALVIN!” bakas sa mukha nito ang gulat. Pawis na pawis ang mukha nito.

“Bakit ika’y humahangos, prinsesa? May problema ba?” usisa ni Calvin.

Kilala na kasi niya si Kanika. Madalas ay silang dalawa ang magkasama dahil siya ang tagapagturo dito sa paggamit ng mahika na alam niya. Siya ang inatasan na magbantay dito. Parang siya lang noon kay Helena. Siya ang protector nito dati. Ngayon ay ang anak naman nito ang dapat niyang protektahan at gabayan.

Mabuting bata si Kanika. Kahit isa itong prinsesa dito sa Erkalla ay hindi ito kakakitaan ng ere sa katawan. Hindi ito mapagmataas. Kaya hindi na siya nagtataka kung bakit mahal na mahal ito ng buong Erkalla dahil sa busilak nitong puso. Iyon nga lang, minsan ay pilya ito at maloko. Sabagay, kadalasan naman sa mga kabataan na nasa edad nito ay ganoon ang ugali.

“Ha?” Medyo nalilitong sagot ni Kanika.

Kahit pa ang laki ng sakripisyong ginawa niya para sa dalawa. Lalo na noong muntikan nang mapatay ni Prosfera ang dalawa. Siya ang inatasang maglibing sa katawan nina Helena at Matias. Nang makita niyang humihinga pa ang dalawa ay ginawa niyang ibon ang mga ito para sa takdang panahon ay ibabalik din niya ang dalawa sa tunay nitong mga anyo.

Kung tutuusin ay pwedeng si Helena lang ang buhayin niya ng sandaling iyon. Pwede niyang hayaan na lamang si Matias hanggang sa bawian ito ng buhay nang sa gayon ay wala na siyang kaagaw sa puso ni Helena. Pero hindi niya ginawa. Inisip niya pa rin ang mararamdaman ni Helena kapag nalaman nitong wala na ang lalaking iniibig nito. Baka mamatay din si Helena sa labis na kalungkutan at hindi niya iyon hahayaan na mangyari.

Pinalaki siya na may matigas na puso at hindi niya inaasahan na pag-ibig ang magpapalambot niyon.

Bigla niya tuloy naalala ang kaniyang mga magulang. Patay na ang ama niya at ang ina niya ay nakatira sa tahanan nila na hindi kalayuan sa palasyo. Paminsan-minsan kapag may oras siya ay dinadalaw niya ito doon. Masaya siya na malaki na ang ipinagbago ng ina niya na si Serafina. Malayong-malayo na ito sa dating reyna ng mga Osoru na malupit at mapagmataas. Marunong na itong makipag-usap sa iba. May mga kaibigan na rin ito at alam niyang masaya na ito sa bago nitong buhay. Hindi rin ito naiinip dahil inatasan itong maging punong-tagapamahala ng Enchanted Academy.

Binigyan nina Haring Davidson at Reyna Jadis ang mga karapat-dapat na Osoru ng katungkulan sa Erkalla. Katulad na lang niya at ng kaniyang ina. Meron ding naging guro at kung anu-ano pa. Puro sa pagseserbisyo inilagay ng hari at reyna ang mga kalahi niya para makita ng mga Ligero na nagbago na talaga sila at kaya nilang magbigay ng maganda at tapat na serbisyo sa lahat.

Malaki din ang tiwala niya kina Haring Davidson at Reyna Jadis na ginagawa ng mga ito ang lahat para magkaayos ang lahat. Umaasa din siya na ipagpapatuloy iyon ng papalit sa puwesto ng mga ito na sina Helena at Matias.

CHAPTER 04

          DALAWANG dangkal ang haba ng kaniyang punyal na hinasa niya nang maigi. Kailangan niyang magdala niyon para handa siya kung sakaling kakailanganin niyang lumaban.

Ito talaga ang tamang panahon para isagawa ang pagtakas sa alteza. Abala ang lahat at nagkakasiyahan. Walang mag-aakala na merong susugod na kalaban sa ganitong okasyon.

Sige lang! Lunurin niyo lang ang mga sarili ninyo sa panandaliang kasiyahan dahil hindi magtatagal ay matatapos na iyan. Tatangis naman kayong lahat, mga Ligero! Lalo ka na, Kanika! Aniya na ang nakakarinig ay ang sarili niya lang.

UMUPO na ang ama at ina niya sa trono habang nasa gilid ng mga ito ang kaniyang lolo at lola. Nilapitan niya ang mga magulang para batiin ito at bigyan ng halik sa pisngi. Ngayon ay opisyal nang hari at reyna ang mga magulang niya.

“Ha? Wala naman sigurong manggugulo sa kasiyahan natin ngayon, ina.”

“Iyan nga din ang sinabi ko pero mapilit siya. Kaya hinayaan ko na lang siya.” Tumayo ang ina niya at nilapitan siya. Inilapit nito ang bibig sa tenga niya at may ibinulong. “Nais mo na bang makita ang aking regalo sa iyo?”

“Bibigyan niyo po ba ako ng damit ninyo, ina?” Kunot ang noo niya.

Bahagya itong natawa. “Ano ka ba? Siyempre, hindi. Buksan mo ang aparador at nang malaman mo ang aking handog sa iyo!”

“Okay. Fine!”

Doon pa lang ay napahagulhol na ng iyak si Kanika.

Humiwalay siya sa pagkakayakap dito at mas lalo siyang naiyak nang makita ang mukha ng kaniyang mahal na ninang. Mataba pa rin ito at masarap pa rin na yakapin.

“Na-miss po kita, ninang!” At muli niya itong niyakap sa sobrang kaligayahan. 

CHAPTER 05         

PABIRO niya rin itong inirapan. Isa ito sa na-miss niya—ang pagtatarayan nila. Hindi na lang muna siya nagsalita at binuksan na niya ang kahon. Hindi napigilan ni Kanika ang pagtili nang makita ang laman ng kahon na bigay ni Ninang Nimfa. Ang laman kasi ng kahon ay mga simpleng pagkain sa mundo ng mga tao. Mga pagkain na matagal na niyang hindi nakakain.

“Thank you po talaga!” aniya sabay yakap dito.

“Naku, hindi ka ba nasaktan, anak?” May pag-aalalang tanong ni Nimfa.

Umiling siya. “Hindi naman po. Tinulungan naman ako ng lahat, e.”

“Tama ka diyan, Nimfa. Mahigpit na ipinagbabawal ng pamunuan ng Erkalla na magdala ng tao dito. Nais kasi namin na maging sikreto ang mundo namin sa mundo ninyo. Ngunit para sa aking anak, kaya kong suwayin ang batas dito.” Nakangiting turan ng ina niya.

Paniguradong paparusahan sila kahit pa sabihing reyna at prinsesa sila. Ano na lang din ang sasabihin ng mga taga-Erkalla? Na sila ang reyna at prinsesa pero hindi marunong sumunod sa batas.

“Ang bilis naman ng oras. Gogora na pala ako pabalik sa Earth!” Malungkot na pakli ni Nimfa.

Kung maaari lang sana na tumigil muna ito dito kahit isang araw lang. Ngunit hindi naman iyon maaari. Bukod sa bawal ay may buhay din ito sa mundo ng mga tao. Dapat siguro ay maging masaya na rin siya dahil kahit papaano ay nakasama niya ang Ninang Nimfa niya kahit maikling oras lang kesa naman sa hindi talaga.

“Oo naman, `no. Basta, paghusayan mo dito sa Erkalla. Alam kong magiging isa kang mahusay na reyna pagdating ng araw!”

“Malapit nang magsara ang lagusan. Kailangan mo nang bumalik, Nimfa…” singit ng kaniyang ina.

Nagyakapan silang mag-ina at muli siyang nagpasalamat dito.

ALAM niyang payapa na ang Erkalla. Kaya lang ay nais pa rin niyang gampanan ang kaniyang tungkulin bilang punong kawal. Ayaw niyang mabigo ang hari at reyna sa kaniya lalo na’t binigyan siya ng mga ito ng tiwala kahit na isa siyang Osoru.

“Punong Kawal! Kayo po pala!” Akala mo ay nakakita ng halimaw na turan nito.

Kilala niya ang naturang babae. Si Gilda. Isang pinagkakatiwalaang tagapagsilbi sa palasyo. Isa ito sa mga Osoru na binigyan ng pagkakataon ng hari at reyna na makapaglingkod sa kanila.

“Ikaw pala iyan, Gilda. Ano ang iyong ginagawa dito? Hindi ba’t dapat ay tumutulong ka sa mga gawain sa kusina? Abala sila doon,” aniya.

Butil-butil ang pawis sa noo. Sa wari niya ay may hindi ito sinasabi sa kaniya. May inililihim si Gilda.

Malakas ang kutob niya na hindi ito nagsasabi ng totoo.

“P-punong K-kawal… ano…” Kanda-utal na si Gilda. Hindi maapuhap kung ano ang sasabihin.

Hindi niya akalain na buhay pa si Rushka. Ang buong akala niya ay kasama na itong namatay sa digmaang nangyari noon.

CHAPTER 06

          INAAKALA ng mga ito na may kabutihang maidudulot oras na makabalik si Prosfera. Hindi siya sang-ayon doon. Alam niya kung gaano kasama si Prosfera. Hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya kung paano pinatay ni Prosfera ang mga babaeng may edad na labing-pito noon dahil gusto nitong sirain ang propesiya. Walang awa si Prosfera. Kahit na napakinabangan ka nito, kapag dumating ang oras na wala ka nang silbi dito ay kayang-kaya ka nitong paslangin nang walang pag-aalinlangan.

“Ang dapat sa iyo ay mawala na sa mundong ito!!!”

Hindi na nag-aksaya pa ng sandali si Calvin.

Nangangamba siya na baka hindi na niya abutan si Rushka. Lingid pala sa kaalaman nila na bumuo ito ng grupo ng mga Osoru na nais mag-aklas. Masyado silang naging kampante. Sino ba kasing mag-aakala na buhay pa si Rushka na isang tapat na tagasunod ng lahi ng Osoru?

Hindi iyon maaari. Dapat na malaman agad ng hari at reyna ang nangyari!

Dapat niyang ipaalam sa mga ito na nakuha ni Rushka ang boteng pinagkukulungan ni Prosfera. Walang segundo siyang dapat sayangin dahil ang buong Erkalla ang nakasalalay dito.

Naglaho ang ngiti ni Haring Matias. Sumeryoso ito. “Sige. Tatapusin na agad natin ang piging at tawagin mo ang mga namumuno. Tipunin mo sila sa silid ng pagpupulong. Susunod na kami doon ng reyna upang makapag-usap-usap tayo,” sagot nito sa kaniya.

Matapos umuwi ng lahat ay sinabi na rin niya sa dating hari at reyna na sina Davidson at Jadis ang nangyari. Agad nilang tinungo ang protektadong silid at nanlumo sila nang hindi na doon makita ang boteng pinagkukulungan ng alteza ng mga Osoru.

“Kung gayon ay lumisan ka na at gawin mo na ang aking inuutos.”

Yumukod si Oscar. “Ngayon din po!” At agad itong umalis ng silid na iyon.

NANG gabing iyon ay hindi siya makatulog. Nasa may teresa siya na kanunog ng silid ng pagpupulong. Mula sa kaniyang kinaroroonan ay tanaw niya ang malaking bahagi ng Erkalla.

Mahigit isang taon na ring payapa ang Erkalla. Hindi nawawala sa isip niya na baka may dumating pang unos ngunit hindi niya inaakala na ganoon kabilis. Malaki ang posibilidad na muling magkaroon ng digmaan lalo na’t hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan si Rushka.

Napangiti si Helena sa sinabi ni Jadis. Tama ito. Hindi niya dapat iniisip ang sasabihin ng iba. Ang dapat niyang isipin ay kung paano mareresolba ang problema.

“Walang anuman. Kapag kailangan mo ng makakausap ay narito lang kami ng iyong lolo. Kaya matulog ka na nang mahimbing, aking lira. Hindi pwedeng wala kang enerhiya bukas dahil bukas na sasabihin ni Oscar kung may bago bang propesiya na nakatakdang maganap…”

“Tama po kayo. Magandang gabi po, lola!”

“Magandang gabi din, aking lira!”

“Ina, anong kailangan ninyo? Gabi na,” anito.

“Gusto lang sana kitang makatabi sa pagtulog, anak. Ikaw, bakit gising ka pa?”

“Sinusulit ko na ang pagkakataon na makatabi ka sa pagtulog dahil alam kong kapag nagdalaga ka na nang husto ay hindi ka na papayag na makatabi mo ako, anak.”

“Ha? Hindi po, ha. Kahit may asawa na ako at anak, gusto pa rin kitang katabi sa pagtulog, ina. Iyan ang bagay na hindi na maaalis sa akin!”

“Talaga? Aasahan ko iyan, anak…” 

CHAPTER 07         

“OSCAR, iyo nang sabihin ang propesiya na iyong nakita,” utos ni Reyna Helena.

Labis ang takot ni Reyna Helena sa narinig. “Kung ganoon, magagawang makalaya ni Prosfera?” tanong niya. Hinawakan ni Matias ang isa niyang kamay at pinisil iyon upang magkaroon siya ng lakas.

“Tama kayo, Reyna Helena! Makakalaya ang alteza at iyon ang pagmumulan ng madugong digmaan. Ngunit may nakita rin ako. Isang liwanag… isang pag-asa. Muling magagapi ang alteza at sa pagkakataon na ito ay kamatayan na ang kaniyang kakaharapin.”

Nagtaka ang lahat ng umiling si Oscar. “Nagkakamali kayo kung iniisip ninyo na dito sa Erkalla magaganap ang susunod na digmaan…”

Naramdaman niya ulit ang pagpisil ni Matias sa kamay niya. Alam niya na ang ibig nitong sabihin ay huwag na niyang sagutin si Apo Elizo. Tumango siya at matipid itong nginitian.

“ “Huwag ninyo sanang masamain ang aking itinuturan. Ang kapakanan lang ng Erkalla ang aking iniisip.”

MABILIS na kumalat sa Erkalla ang napag-usapan ng mga namumuno at ng hari at reyna sa huling pagpupulong. Kahit hindi pa araw ng muling pagbubukas ng Enchanted Academy ay maaga iyong binuksan para sa lahat ng kabataan. Ngunit hindi para mag-aral kundi para sanayin sa pakikipagdigma. Sinabi rin ng Haring Matias na sasailalim ang mga kabataan ng Erkalla sa mga pagsubok sa Enchanted Academy at aalisin o papalabasin ang mga susuko o hindi makakagawa ng pagsubok. Hanggang sa lima na lang ang matitira.

Hindi pa sinasabi kung bakit ganoon na ang patakaran sa nag-iisang paaralan sa Erkalla pero excited pa rin si Kanika na pumasok sa Enchanted Academy. Feeling niya ay nasa isa siyang reality show tapos isa-isa silang babawasan hanggang sa matira ang matibay. Pero kakaiba dito sa Enchanted Academy dahil lima ang pipiliin sa huli.

Para kay Kanika ay mas maganda ang ganoon kesa sa simpleng pag-aaral lang. Mas kailangan ngayon ng Erkalla ng marunong makipagdigma dahil hindi lingid sa kaalaman niya na ninakaw ni Rushka ang bote kung saan nakakulong si Prosfera. Malakas ang kutob niya na kumikilos na rin ito sa pagpapalaya sa alteza ng mga Osoru.

“Hay! Nasasabik na akong pumasok sa Enchanted Academy! Sana ay tayong lima ang matira hanggang huli. Sigurado ako na may malaking premyo ang limang mapipili!” Masayang turan ni Miya—ang nobya ni Evrio.

Nasa hardin si Kanika at kasama niya ang kaniyang nobyo pati na ang mga kaibigan nila na sina Miya, Evrio at Jareth. Nakaupo sila sa damuhan at nakaikot. Kung sa mundo ng mga tao ay mall ang tambayan ni Kanika, dito ay sa hardin. Mas sariwa kasi ang hangin dito at maganda pa ang tanawin dahil sa mga halaman at bulaklak.

“Sana nga ngunit sigurado ring mahirap ang pagdadaanan ng mga estudyante ngayon ng Enchanted Academy,” pakli ni Jareth.

“Iyan din ang aking naiisip, kapatid,” ani Hamir. “Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit biglang binago ang pagpapalakad sa Enchanted Academy. Kung paghahanda ito sa digmaan, bakit lima lang? Hindi ba dapat ay lahat? Mas marami ay mas malakas ang puwersa.”

“Ano ba kayo? Hayaan na lang natin ang mga nakakataas at namumuno sa kanilang desisyon. Naniniwala ako na alam nila ang kanilang ginagawa,” sabi naman ni Miya. “Ang gawin na lang natin ay maging makabuluhan ang pagpasok natin sa Enchanted Academy, `di ba? Ikaw ba, Kanika, ano ang iyong opinyon dito?”

“Ha? Wala. Nakikinig lang ako sa inyo. Joke!” aniya sabay peace sign. “Seryoso, ha. May pakiramdam kasi ako na tungkol na naman ito sa propesiya. Narinig ko kasi na inutusan ng aking ina si Oscar na alamin kung may bagong propesiya. Marahil ay nakita ni Oscar sa propesiya ang limang kabataan ng Erkalla. Ewan ko, hindi rin naman ako sigurado. Hindi rin kasi sa akin sinasabi kung bakit naging ganiyan ang patakaran at pagpapatakbo ngayon sa Enchanted Academy…”

Bumuntong-hininga si Hamir. “Basta gawin na lang natin ang lahat ng ating makakaya. Para din naman ito sa Erkalla at sa kapayapaan nito. Hiling ko, kung hindi man tayong lima ay kahit isa man lang sa atin ang makuha sa limang kabataan na kanilang hinahanap!” Kitang-kita ni Kanika ang pag-asa sa mga mata ni Hamir habang ito ay nagsasalita. 

CHAPTER 08

“MISS Veronica, `eto na ang bag ninyo…” Inabot iyon ng isang kasambahay. Bahagya pa itong nakayuko katulad ng kasama nito.

“Itapon niyo na iyan. Ayoko na sa bag na iyan.”

Palaging hanggang labas lang ng pinto ang mga ito. Siya lang ang nakakapasok sa loob ng ikaapat na palapag ng mansion niya.

“Pero, Miss Veronica, kakabili niyo lang nito kahapon. Isa pa, napakamahal ng bag na ito at—”

Nakataas ang isang kilay na tiningnan niya ang sumasagot na kasambahay. “Hindi ka naman siguro bingi, `di ba? Ang sabi ko, itapon niyo na!” Puno ng awtoridad na sabi ni Veronica.

Halos maihi sa takot ang dalawa. “O-opo. Masusunod!” Yumukod ulit ang mga ito.

Saka lang niya inilabas ang susi ng pinto mula sa kaniyang mamahaling bag. Binuksan na niya ang pinto at marahang pumasok. Pagkasara niya ng pinto ay pumikit siya at pinuno ng hangin ang dibdib. Nawala ang lahat ng pagod niya sa maghapon nang malanghap ang hangin sa kaniyang silid.

“Tulungan niyo ako…” Hirapang samo ng babae. Halatang kanina pa ito nagsisigaw doon dahil namamaos na ang boses.

Isinara niya ang pinto at naglakad papunta sa tapat ng babae. Nagkaroon ng pag-asa ang mukha nito nang makita siya.

“Don’t worry. Matatapos na ang paghihirap mo!”

“Huwag niyo po akong sasaktan. M-may pamilya po ako na umaasa sa akin.”

“A-ano po ba ang gagawin ninyo sa akin? Hirap na hirap na po ako. K-kagabi pa ako nandito at hinahanap na po ako sa amin.”

“Huwag mo nang isipin pa ang pamilya mo dahil hindi ka na makakauwi. Dito ka lang. Ngayon, Trisha, ako pa rin ba ang idolo mo?”

Bumakas ang walang hanggang takot sa mukha ni Trisha. Sinubukan na nitong kumawala mula sa pagkakatali. Panay ang palag nito pero alam niyang kahit anong gawin nito ay hindi ito makakawala. Mahigpit ang pagkakatali niya dito at matibay ang lubid na ginamit niya para maigapos at maibitin ito.

“P-papatayin niyo ako?!” Halos mabaliw-baliw na sigaw ni Trisha.

Hindi na lang niya ito sinagot. Sandali niya itong iniwan upang buksan ang isang malaking kahon na yari sa makapal na kahoy. Isang mahabang kahon na kulay ginto ang inilabas niya mula sa kahon. Binuksan niya ang kahon at inilabas ang isang espada na may matalim na talim. Kumikinang pa iyon sa repleksiyon ng malamlam na ilaw sa silid na iyon.

Panay ang iyak ni Trisha. “Miss Veronica… Maawa ka… Tulong! Tulong!!!” Kahit paos ay panay pa rin ang sigaw nito.

Nagsasayang lang ito ng lakas dahil walang makakarinig dito. Naka-sound proof ang buong fourth floor at kahit magsisigaw ito maghanapon ay walang makakaalam na nandito ito.

Nagkikisay ito na parang manok na ginilitan sa leeg.

Nanginginig na itinapon ni Veronica ang espada sa kung saan. Naliligo na siya sa malapot at mainit-init na dugo ni Trisha. Niyakap niya ng dugo. Una sa mukha at pababa sa buo niyang katawan. Ibinuka niya nang bahagya ang bibig upang malasahan ang dugo.

Halos isang dangkal na ang taas ng dugo sa bathtub. Kakaunti na lang ang tumutulong dugo mula kay Trisha. Wala pa ring tigil si Veronica sa pagpunas ng dugo sa buo niyang katawan. 

CHAPTER 09         

ANG akala ni Kanika ay susuportahan siya ng kaniyang ina at ama ngunit ganoon na lang ang lungkot niya nang sabihin ng mga ito na hindi siya pwedeng pumasok ngayon sa Enchanted Academy.

Hindi nakaligtas kay Kanika ang pasimpleng pagtitinginan ng kaniyang mga magulang. Tumango ang ina niya at saka muling nagsalita ang kaniyang ama.

“Pero—”

“Prinsesa Kanika.” May himig ng pagbabanta ang tinig ng kaniyang ama.

Oo. Naiintindihan niya na ang pakay lang ng mga ito ay ang masiguro ang kaniyang kaligtasan. Pero sana naiisip din ng mga ito na kahit bata pa siya ay kaya na niyang lumaban. Minsan na nga niyang natalo sa laban si Prosfera at ang ilan sa mga kampon nito, e.

Habang naglalakad si Kanika sa pasilyong papunta sa kaniyang silid ay hindi humihinto ang utak niya sa pag-iisip kung paano siya makakapasok sa Enchanted Academy nang hindi nalalaman ng kaniyang mga magulang. Alam niyang sinabihan na ng mga ito ang mga tagapagsanay sa Enchanted Academy tungkol sa pagbabawal sa kaniya na pumasok doon. Kaya walang silbi kung tatakas siya dahil isusumbong lang siya ng mga tagapagsanay kapag nakita siya sa Enchanted Academy.

Ano kaya kung…

“Leya!” tawag niya sa lambana.

Tahimik lang siya sa isang sulok.

Inakala niya kasi na makakasama niya ang kaniyang nobya dito. Hindi naman pala.

“Tama ka. Kaya dapat nating husayan para sa kaniya,” turan ni Hamir.

Nagpalakpakan ang mga kasama niya.

“Ang husay mo talaga, Hamir!” Natutuwang puri ni Evrio.

“Tara na! Dapat ay makasama tayo sa unang tatlumpu!” matapang na sabi ni Miya.

“Magpalutang ka muna at magpahinga. Sasamahan kita, huwag kang mag-alala!” turan dito ng nobyo nitong si Evrio.

Ang iba ay patuloy pa rin sa paglangoy. Lahat naman sila ay iisa lang ang minimithi kaya sila nandito—iyon ay ang maging isa sa limang matitira sa huli. 

CHAPTER 10

          NANLAKI ang mga mata ni Hamir nang paglublob niya ng ulo niya sa tubig ay may nakita siyang isang babae na mabilis na sumisisid. Nilampasan siya nito at nakita niya na lumalangoy na ito paibabaw. Lumitaw ito sa harapan niya. Nakatalikod ang babae sa kaniya at marahang lumingon sa kaniya. Napatulala siya nang makita ang naturang babae. Hindi pamilyar sa kaniya ang babae. Sa tingin niya ay kaedad niya lang ito. Maputi at makinis ang mukha. Maganda ang mukha at ang buhok ay gulay pula.

Para kay Hamir ay imposibleng makalangoy ng ganoon kabilis ang isang taga-Erkalla nang hindi gumagamit ng mahika. Kaya ang hinala niya ay gumamit ang babaeng kaharap ng mahika upang makalangoy nang ganoon kabilis.

“Argh!” Naiinis niyang turan.

“Hamir!” tawag ni Miya sa kaniya. “Bakit tila nagmamadali ka?!”

“Magkita-kita na lang tayo sa isla! Mauuna na ako sa inyo!” Pasigaw na sagot ni Hamir.

HINAPLOS niya ang magkabilang pisngi at napangiti siya dahil mas kuminis iyon at lumambot. Pati ang braso at hita niya ay mas gumanda ang kumpleksiyon. Talaga ngang effective ang ginagawa niya para hindi tumanda ang kaniyang hitsura.

“Ang ganda-ganda ko talaga… Kaya marami ang naiinggit sa akin!” Nangingiti niyang sabi habang patuloy na tinitingnan ang sarili sa salamin.

Hindi pa marahil sapat ang dugo ni Trisha para wala nang matirang kulubot sa kaniyang katawan. Dapat pala ay dalawang tao ang biniktima niya.

Muli siyang napasigaw pero tumahimik din at pinakatitigan ang salamin. “That is not me! Hindi ako ganiyan kapangit!” Iiling-iling na sigaw ni Veronica.

“Hindi kita maintindihan. At kung ako sa iyo ay umalis ka na bago pa ako tumawag ng security!”

“Ang gagawin mo lang ay kunin ang kanilang kaluluwa gamit ang boteng aking kinasasadlakan. Kapag sapat na ang kaluluwang iyong nakuha ay makakalaya na ako dito at maibibigay ko na sa iyo ang walang hanggang kagandahan na iyong inaasam!” At isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Prosfera.

“Hinihintay ko ang iyong kasagutan, Veronica…”

“Ikinagagalak ko ang iyong pagpayag! Alam kong hindi mo ako bibiguin, Veronica!”

“Oo naman. Lahat ng bagay ay kaya kong gawin at kunin. Si Veronica Velez ay hindi nabibigo kailanman!” Puno ng tiwala sa sarili na sabi pa niya. 

CHAPTER 11

NAPALUNOK si Hamir ng sariling laway. “D-dahil iyon ang katotohanan. Ako ang nauna dito sa isla. Hindi ba’t tama ako, Ginoong Calvin?” Kahit siya ay parang hindi na sigurado sa kaniyang sinasabi.

Bahagyang napahiya si Hamir. Tumiim ang bagang niya. Tila nagmamalaki kasi ang tingin ni Anya sa kaniya. Kahit babae ito ay parang ubod ito ng yabang.

“Pero—”

“Dahil sa nakita na ng namumuno na maayos ang unang naging pagsubok ay umalis na sila. Sa akin na nila iniwan ang pagpapatakbo ng mga susunod pang pagsubok,” ani Calvin.

“Naku, hayaan mo na lang. Sa tingin ko naman ay hindi makakaligtas kay Ginoong Calvin kung nandaya man siya o hindi,” anito.

“SA wakas, Rushka! Nalalapit na ang aking paglaya sa boteng ito. Matagal kong hinintay ang araw na ito! Makakabalik na rin ako sa Erkalla upang bawiin ang dapat ay sa akin!” Nasa isang silid sina Rushka ng sandaling iyon sa bahay ni Veronica.

Hawak ni Rushka ang bote kung saan nakakulong ang alteza. “Maging ako ay naliligayahan din, mahal na alteza. Paniguradong magugulat ang mga Ligero oras na ikaw ay magbalik sa Erkalla. Ngunit, mahal na alteza, ako ay nangangamba sa isang bagay…”

“Rushka, Rushka… Abot-kamay na natin ang tagumpay. Ngayon ka pa ba kakabahan?”

“Alam ko, mahal na alteza. Hindi ba’t oras na makalaya ka ay ang katawan na ni Veronica ang iyong gagamitin? Alam ko kung bakit ninyo hindi ipinaalam sa kaniya ang bagay na iyon dahil baka hindi siya pumayag, hindi ba?”

“Tama ang iyong iniisip. Hindi dapat malaman ni Veronica na oras na makalaya ako ay awtomatikong papasok ako sa katawan niya upang ako na ang magmay-ari niyon!” At isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Prosfera.

“OH, yes! Bakit hindi mo pa papasukin? Wait, handa na ba ang dinner?”

“Handa na po. Naka-set na po ang dinner table at niluto po namin lahat ng mga sinabi ninyo.”

“Oo nga pala. Ang mga kubyertos ba na gagamitin ay iyong mga sinabi kong gamitin? Make sure na hindi ninyo inilabas ang mga kubyertos at pinggan na ginagamit ko, ha! Ayokong masayaran ng mga hampaslupang iyon ang aking mga ginagamit sa pagkain!”

“Wala po kayong dapat alalahanin dahil sinunod po namin ang utos niyong iyon, Miss Veronica.”

“Okay. Fine! Papasukin na ang mga patay-gutom!”

“Opo, Miss Veronica!” Yumukod pa ito bago umalis sa kaniyang harapan.

“Magaling kung ganoon!”

“OMG! Miss Veronica!” Tili ng isang bakla nang makita siya. Halos manghimatay ito sa sobrang saya nang masilayan ang kagandahan niyang taglay.

“Naku, Miss Veronica, wala po kayong dapat ihingi ng sorry,” sabi ng isa pang babaeng fan niya. “Kahit nga po tuyo lang ang ipakain ninyo sa amin ay okay lang. `Di ba, guys?” Sinang-ayunan iyon ng lahat. “Saka ang dami po kaya ng foods at mukhang masasarap lahat!”

Mahinhin siyang tumawa. “Siyempre, hindi ko naman hahayaan na pakainin ko kayo ng ganoon. Lalo na at this is the first time na magpa-dinner ako sa bahay with my fans. At sa tingin ko ay gagawin ko na ito nang madalas bilang pasasalamat sa overwhelming support ninyo sa akin.” Nagkunwari pa siyang naiiyak.

“Deserve niyo naman po ang support na natatanggap ninyo sa amin, Miss Veronica. Bukod sa mahusay kayong artista ay ang bait niyo pa. Kayo lang po ang kilala kong artista na sobrang malapit sa fans. Kaya mahal na mahal kayo ng mga tao, e.” Papuri pa ng fans niya na lalaki.

“Oh! Thank you so much! Masyado ninyong pinapataba ang puso ko. I so love you, guys!”

“We love you too, Miss Veronica!” sabay-sabay na sambit ng mga ito.

“Iyong Valentina po ba sa Darna? Totoo po ba na kayo ang gaganap na snake queen?”

“Hindi pa pwedeng sabihin pero sige na nga… Yes. Ako ang gaganap na sexy villain ni Darna sa movie!” Ganoon na lang ang tuwa ng mga fans niya sa kaniyang sinabi.

“Wow! Congrats po! Pero ang sarap po talaga ng foods! Mag-uuwi po ako ng matitira, ha?”

“Sure! No problem!” 

CHAPTER 12         

NAISIPAN nilang kumain muna bago magtungo sa kani-kanilang silid para magpahinga. Hindi maiwasan ni Hamir ang mapasimangot. Paano ba nama’y simula nang umupo sila para kumain ay si Anya na ang pinag-uusapan ng kaniyang mga kasama. Hangang-hanga ang mga ito sa ipinakita ng naturang babae.

Irap lang ang natanggap nitong sagot mula kay Miya.

Tinawanan naman ni Jareth ang dalawa. “Naku, away na naman `yan!” palatak pa ng kapatid niya.

“Mas maganda at malakas pa rin si Kanika kesa sa Anya na iyon.” Mula sa kawalan ay nasabi iyon ni Hamir.

“Tunay na ikaw ang labis na nangungulila sa iyong kasintahan, Hamir. Palagi mo siyang bukambibig at ikinukumpara kay Anya. Ngunit kami naman ay sang-ayon sa iyong sinabi. Mas maganda at malakas pa rin si Kanika!” ani Evrio.

WALANG kamalay-malay ang sampu niyang fans sa tunay niyang balak. Kung hindi lang talaga kailangan ay hindi niya papapuntahin ang mga ito sa kaniyang bahay. Ang totoo ay nandidiri siya sa mga ito. Napipilitan lang siyang maging mabait sa mga ito dahil kailangan niya ang mga ito ngayon.

Tumawa na lang siya ng peke para masabing naaaliw siya. Pero sa loob niya ay kanina pa niya gustong kunin ang mga kaluluwa ng mga ito upang matapos na ang pampa-plastik niya sa mga ito. Parang gusto niyang maligo sa alcohol pagkatapos dahil pakiramdam niya ay lumipat sa balat niya ang mikrobyo ng mga taong kasama niya ngayon.

“Ano naman po ang nasa loob ng kwartong iyan?” tanong ng isang lalaking fan.

“Wow! Ang lakas talaga natin kay Miss Veronica!”

Hindi na nag-aksaya pa ng sandali si Veronica.

Natahimik ang lahat sa kaniyang sinabi. Mayamaya ay sabay-sabay na tumawa ang mga ito.

“At naaalala niyo ba `yong mag-ama ko na biglang nawala? Hindi sila nawawala. Patay na sila! Lalayasan sana nila ako, e. Pero pinatay ko sila at ang dugo nila ay ipinaligo ko. Iyan ang sikreto ko kung bakit hindi ako tumatanda. Super effective, right?” aniya sabay halakhak.

Napapagtanto na siguro ng mga ito na hindi siya nagbibiro. Wala na siyang pakialam kung malaman ng mga ito ang tunay niyang kulay. Tutal ay mamamatay na rin naman ang mga ito.

“Easy… Sobrang dali pala nito! Hindi ko na kailangang idispatsa ang mga katawan nila!” Natatawang wika pa ni Veronica.

“Ang dali lang naman pala. Hindi man lang ako pinagpawisan!”

Matalim ang matang tiningnan niya ito. “Ano bang pakialam mo?!” asik niya.

“E, k-kasi po, b-baka po—”

“Shut up! Umuwi na silang lahat. Hindi mo ba nakita?!” Hindi na niya ito hinintay na sumagot pa. Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Nagtungo siya sa kaniyang garahe at sumakay sa kaniyang pinaka mahal na kotse.

“Wala tayong magagawa kung ganitong oras magsisimula ang pangalawang pagsubok. Magbihis na tayo at lumabas,” sabi ni Hamir.

“Mabuti naman at nagising pa kayo!” Nilapitan sila ni Miya. “Ang buong akala ko ay hindi na kayo bababa dito. Kayo na lang ang hinihintay.”

“Sa totoo lang ay isang buwan sanang tatagal ang pagsubok sa inyo pero dahil naramdaman ni Oscar na parang nalalapit na ang paglaya ni Prosfera ay baka mas maging maagap ang pagpili sa limang kabataan na hinirang. Kaya huwag na kayong magugulat kung magiging sunud-sunod ang mga magiging pagsubok ko sa inyo.” Huminto ito nang saglit sa pagsasalita at tila isa-isa silang tinitingnan. “Handa na ba kayo para sa ikalawang pagsubok?!” 

CHAPTER 13         

KUMILOS na ang lahat ng mga estudyante ni Calvin. Mataman niyang tinitingnan ang bawat isa dahil alam niyang lima sa mga ito ang magiging mga tagapagligtas ng Erkalla.

Ani ng hari at reyna ay pinagkakatiwalaan siya ng mga ito. Naniniwala ang mga ito sa kaniya na siya ang may kakayahan para subukin at hasain ang mga kabataan ng Erkalla upang mapili nila ang limang kabataang hinirang at karapat-dapat.

Mahirap man ang inatas na tungkulin at gawain sa kaniya ay labis din ang pagtaba ng puso niya sa tiwalang ibinibigay sa kaniya ng lahi ay dating kalaban ng kaniyang lahi. Kaya naman ginagawa niya ang lahat upang hindi mabigo ang mga ito sa kaniya. Hinding-hindi niya sasayangin ang tiwala ng Erkalla sa kaniya… 

CHAPTER 14         

“ILANG kaluluwa ba talaga ang kailangan ko para makawala ka na?”

“Madami, Veronica! Marami! Masyadong malakas ang mahikang nakapaloob sa kulungan ko kaya kinakailangan natin ng maraming kaluluwa upang makawala na ako dito. At dapat ay magmadali ka na. Sa tingin ko ay kaya mong gawin iyon sa dami ng taong humahanga sa iyo katulad na lang ng babaeng iyon!”

“Tama ka, Prosfera. Madali lang sa akin ang pinapagawa mo. Huwag kang mag-alala. Gumagawa na ako ng paraang para matipon ko sa isang lugar ang aking mga tagahanga upang makuha ko nang sabay-sabay ang kaluluwa nila. At huwag mong kakalimutan ang ating kasunduan oras na mapakawalan na kita, Prosfera!”

“Nagdududa ka ba sa akin, Veronica?”

“Hindi naman. Gusto ko lang makasiguro!”

“Wala kang dapat ipag-alala. Isa akong alteza. Ang katulad ko ay tinutupad ang salitang kaniyang binibitawan. Oras na makawala ako dito ay ibibigay ko sa iyo ang walang hanggang kagandahan!” At muli itong tumawa nang malakas.

Ikinibit ni Veronica ang balikat. “Okay!” Iyon lang ang isinagot niya. Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin bago lumabas ng comfort room.

MAS mahirap na nang nabawasan ng taba ang kahoy. Dapat ay makabalanse sila nang maayos. Tinitiis na lang niya ang sakit at hirap na nararamdaman. Hindi siya dapat mabigo. Siguradong malulungkot si Kanika oras na maalis siya sa Enchanted Academy.

Isang mahinang tawa ang narinig niya mula dito. “Mahina kasi kayo lalo na `yang babaeng kasama ninyo. Hindi pa kasi sumuko!”

Tiningnan niya sina Evrio, Miya at Jareth. Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag nang makitang nakatayo pa rin sa kahoy ang mga ito. May ilan na nahulog at naglaho na ang mga ito.

Para sa iyo ito, Kanika… Gagalingan ko. Ipinapangako kong magwawagi ako sa lahat ng pagsubok! Determinado niyang bulong sa sarili.

KATULAD niya si Kanika noong kabataan niya. Matapang at palaban. Labis ang pagmamahal ni Kanika sa Erkalla at sa mga salamangkerong nakatira dito kaya nais nitong mapabilang sa limang kabataan na lalaban kay Prosfera. Pero natatakot sila na maling kabataan ang mapili nila. Isang maling kabataan lang ang mapabilang sa lima ay siguradong babagsak ang Erkalla sa mga kamay ni Prosfera. Dapat kasi ay ang tamang limang kabataan ang kanilang mapili upang matupad ang propesiya.

Isa pa, dapat nitong malaman ang pangitain na nakita ni Oscar kagabi. Bilang prinsesa ay dapat nitong malaman ang mga ganoong bagay.

Alam niya kung ano ang tinitingnan nito—ang Enchanted Academy. Mula kasi sa bintana nito ay tanaw ang naturang paaralan. Iyon nga lang ay sobrang liit na dahil malayo iyon sa palasyo.

“Bago ako lumisan ay hihilingin ko sana na sumabay ka sa amin sa almusal. Matagal ka na naming hindi nakakasalo sa hapag-kainan. Palagi ka na lang nandito sa iyong silid.”

“Sige, ina. Sasabay ako sa inyo sa almusal mamayang umaga…”

“Aasahan namin iyan, anak. Matulog ka na rin. Malalim na ang gabi.” Isang halik sa pisngi na puno ng pagmamahal ang iniwan ni Reyna Helena sa anak bago siya lumabas sa silid nito.

KAILANGAN nilang magpatagalan sa paglutang hanggang sa labing lima na lang ang matira. Dahil sa baguhan pa lang silang lahat sa paggamit ng mahika ng paglipad at paglutang ay mahirap iyon.

“Ayoko! Hindi ako susuko!”

“Mahina ka, Miya. Sumuko ka na!”

Hindi na siya magpapa-apekto sa mga salita nitong walang katotohanan.

Patuloy pa rin ito sa pagsasabi na sumuko na siya at mahina.

“Iyan ang gusto ko sa iyo, Miya! Talagang napakatapang mo, irog ko!” pasigaw na sabi ni Evrio sa kaniya. “Ipinagmamalaki kita na ikaw ay aking nobya!” Hiyawan ang lahat. Ang iba ay kinantiyawan pa sila dahil sa matatamis na salita ni Evrio sa kaniya. Habang si Anya ay nagngingitngit nang mag-isa. 

CHAPTER 15         

“MINAMADALI ka na namin noon pero mas lalong kailangan nating magmadali ngayon, Calvin…” turan naman ni Reyna Helena.

“Walang anuman, mahal na reyna. Sinusuklian ko lang ang tiwalang ibinibigay ninyo sa akin. Ako po ay lilisan na rin ngunit maaari ko po bang makausap si Prinsesa Kanika?”

“Siya ay nasa kaniyang silid ngunit hindi ko alam kung siya ay gising pa. Puntahan mo na lang siya doon,” tugon ni Reyna Helena.

Ayaw na niya itong gambalain pa sa pamamahinga kaya napagdesisyunan niyang sa ibang araw na lang niya ito kakausapin.

At isa-isa nang umalis ang mga kabataan na nasa kaniyang harapan. Ngunit sa lahat ng naroon ay sa isang salamangkero lang siya nakatingin—kay Anya.

“BAKA naman hindi siya lumalabas ng kanilang tahanan kaya hindi natin siya kilala,” ani Evrio.

“Kung hindi siya lumalabas, bakit tila ang husay niya sa paggamit ng mahika?”

Biglang pumitik sa hangin si Miya. “Hindi naman kaya isa siyang kasabwat?” bulalas nito.

“Kasabwat?” Lahat sila ay nakakunot ang noo sa sinabi ni Miya.

“Oo. Isang kasabwat! Marahil ay hindi naman talaga siya kasali sa pagsubok. Baka inilagay lang siya dito upang subukin tayo. Napansin niyo ba na ganoon na lang ang ginagawa niya para panghinaan tayo ng loob? Tapos hindi man lang siya sinasaway ni Ginoong Calvin!”

Napaisip lalo si Hamir sa sinabing iyon ni Miya. May punto kasi ito. Maaari ngang hindi ito talaga kasali at sinusubok lang sila. “Kasabwat man si Anya o hindi, dapat pa rin tayong mag-ingat sa kaniya lalo na’t parang ang grupo natin ang palagi niyang pinupuntirya. Kung maaari ay tayo na lang ang umiwas sa kaniya—”

“A-anya, ikaw pala!” kinakabahang turan ni Jareth.

“Teka nga, bakit ba ako nakikipag-usap sa mga katulad ninyong talunan? Makikiraan, ha. Magpapahinga na lang ako kesa makipag-usap sa mga walang kwenta at mahihinang nilalang!”

“Kalma lang. Hindi dapat tayo magpa-apekto sa kaniya,” ani Hamir. “Magpahinga na tayo para may lakas tayong lahat sa huling pagsubok. Dapat ay kabilang tayong apat sa limang mapipili sa huli. Ialay natin ito kay Kanika para matuwa siya kapag nagtagumpay tayong apat.”

“Mukhang tama nga ang kutob ni Miya. Mukhang kasabwat nga si Anya para mas mahirapan tayo sa mga pagsubok,” wika ni Jareth.

HALOS mabaliw siya sa pagsisigaw. Tumangis pa siya na akala mo ay namatayan. Napaupo siya sa sahig habang umiiyak. Mayamaya ay tumayo siya. Nagtungo sa kaniyang make up room. Umupo sa harap ng salamin at pilit na itinago ang kakaunting kulubot gamit ang make up.

Tiningnan niya nang maigi kung halata pa ba ang kulubot o hindi na.

“This can’t be!!!” Muli niyang sigaw. Paano ay nakikita niya pa rin ang kulubot.

“Hindi ba’t iyon na ang ginagawa ko? Argh! Ayoko ng ganito! May kulubot ako!”

“Sa sandaling mapalaya mo ako, hindi mo na poproblemahin ang mga kulubot na sinasabi mo…”

Malapit na. Malapit na malapit nang mangyari ang kaniyang pinapangarap. Sa kaniyang private concert na gaganapin sa Sabado iyon mangyayari! 

CHAPTER 16         

PANAY ang piksi ng babae. “Wala akong pakialam! Hindi ako natatakot kay Veronica! Ilabas niya muna ang anak ko! Isa siyang demonyo!” patuloy ito sa pagsisigaw.

“At ikaw, sino ka? Sinong anak ang hinahanap mo sa akin? I guess, you are in the wrong house!” Mahinahon niyang sabi pero may paninindak na kasama ang nanlalaki niyang mga mata.

Hindi nagugustuhan ni Veronica ang inaasal ng babae sa harapan niya. Dinuro pa siya nito. Kung hindi siya nakakapagpigil ay kanina pa niya ito pinaliguan ng sampal at sabunot.

Wala itong kaalam-alam na naglahong parang bula si Beverly kasama iba pa niyang fans.

“And FYI, wala sa kwartong ito ang anak mo. Wala din siya sa bahay na ito. She’s dead!” Tatalikod na sana siya pero may nakalimutan pa siyang sabihin sa babae. “Oo nga pala, pasensiya ka na diyan kay Death, ha. Hindi pa iyan napapakain simula pa kahapon!”

“ANG dilim naman dito. Gumawa kaya tayo ng apoy gamit ang ating mahika…” ani Miya.

“Hindi maaari. Malalaman nila na nandito tayo kapag gumawa tayo ng liwanag. Magtiis na lang muna tayo sa dilim,” pagtutol ni Hamir sa sinabi ni Miya.

May malapad na bato silang nakita at doon ay umupo sila ng pabilog.

Kung meron mang ipinapangamba si Hamir ay si Anya iyon. Alam niyang si Anya ang pinakamalaking kalaban nila sa huling pagsubok. Mahusay ito at madiskarte. Nagawa nga nito agad na makakuha ng isang kuwintas, e.

Palinga-linga sila sa pag-asang makakahanap sila ng kanilang makakain o kahit prutas man lang. Pinapakiramdaman din nila ang kanilang paligid dahil baka may nakaabang na ibang kasali sa pagsubok at inaabangan lang sila upang makuha ang kanilang kuwintas.

Bigla niya tuloy naalala si Kanika. Labis na siyang nangungulila dito. Ilang araw na kasi silang hindi nagkikita. Talagang yayakapin niya ito nang mahigpit at matagal kapag nagkita silang muli.

“May punto naman ang iyong sinabi kaya lang wala kang dapat ikatakot sa pamilya ni Kanika. Mabuting salamangkero at hindi mapagmataas ang hari at reyna. Minsan pa nga ay nakikipagsalamuha sila sa mga gaya natin na mideo, `di ba?” 

CHAPTER 17         

HINDI naman sa nagdududa siya sa dalawa. Talagang curious lang siya sa lugar na iyon. Kung nasaan iyon at kung paano makapunta doon. Ang alam lang niya ay isang mahiwagang mundo ang Erkalla kung saan dito nakatira ang mga salamangkero. Parang Harry Potter lang, ganoon ba? Bulong niya pa sa sarili habang patuloy ang pagre-research.

Napangiti nang malaki si Veronica sa kaniyang narinig. Ngayon pa lang ay nakikini-kinita na niya ang mangyayari sa naturang concert. Sigurado siyang sa dami ng taong dadalo sa kaniyang free and private concert ay marami siyang kaluluwang maiaalay kay Prosfera. Makakalaya na ito at makukuha na niya ang kaniyang premyo. Habambuhay na siyang maganda at hindi tatanda!

Nagtungo siya sa kaniyang pribadong silid sa ikaapat na palapag ng kaniyang bahay. Pumasok siya doon at hindi na binuksan ang ilaw. May mga kandilang nakasindi sa mga sulok at sapat na iyon para sa kaniya. Pagkasara niya ng pinto ay iginala niya ang kaniyang mga mata. 

CHAPTER 18

          MALAKING bagay ang pakikipag-usap ni Veronica kay Rushka tungkol sa Erkalla. Dahil doon ay nalaman niya ang puno’t dulo ng hidwaan sa pagitan ng mga Ligero at Osoru. Mas lalo tuloy siyang naging interesado na makapunta sa Erkalla. Tila ba gusto niyang makita mismo ng mga mata niya ang naturang lugar.

Tumango-tango siya na parang wala na doon ang atensiyon. “Okay. That’s it. Iyon lang naman ang gusto kong malaman, Rushka. Maraming salamat. Sige na. Matutulog na ako. Good night!” Niyakap pa niya si Rushka na ikinagulat nito bago niya ito iniwan sa silid na iyon.

ANG tanging plano nila ay magtulungan upang makakuha ng sapat na kuwintas. Kung sino man ang makakakuha na ng dalawang kuwintas ay babalik na sa kuweba upang maging ligtas sa mga natitirang kasali sa pagsubok. Wala mang kasiguraduhan ang magiging kapalaran nilang apat ay handa na silang sumugal.

“Mag-iingat tayong lahat. Hangga’t maaari ay huwag tayong papayag na may makaagaw ng mga kuwintas natin. Alam kong kaya natin ito at naniniwala ako na buo tayo hanggang sa huli!” Pagpapalakas ni Hamir ng loob sa tatlo niyang kasama.

SANDALI siyang tumingin sa pinanggalingan. Paano kung nakasunod sa kaniya iyong babae? Marahil ay mas makakabuting tumawid na lang siya sa kabila at maghanap ng ibang kasali upang makakuha na siya ng kuwintas.

Kung ganoon ay dapat niyang gawin ang lahat upang matalo ito.

“Patawarin mo ako ngunit kailangan ko itong gawin.” Ayaw naman niya talagang manakit ng kapwa salamangkero ngunit kailangan. Hahablutin na sana niya ang dalawang kuwintas sa leeg ng lalaki nang bigla nitong hawakan ang kamay niya.

Mariin iyong pinisil ng lalaki at napasigaw siya dahil sa labis na sakit. Naramdaman pa niya ang pagkadurog ng buto sa mga daliri niya.

Nang bitawan siya ng lalaki ay napaatras siya.

“Akala mo ba ay ganoon lang ako kadaling matalo?!” Nakangising sabi nito sa kaniya habang namimilipit siya sa sakit. 

CHAPTER 19

SINASABI na nga ba niya, hihikayatin nito ang ibang salamangkero para umanib dito.

“Anya!” Iyon lang ang nasabi ni Hamir. Ikinuyom niya ang kaniyang dalawang kamao.

Malakas itong tumawa. “Ako nga. Wala nang iba! Marunong naman siguro kayong magbilang, `di ba? Dalawa kayo at apat kami. Ngayon ay bibigyan ko kayo ng dalawang pagpipilian. Kusa ninyong ibibigay ang mga kuwintas ninyo o kukuhain namin iyan sa dahas? Mamili kayo.”

Sabay na gumawa ng bolang enerhiya sina Hamir at Jareth sa kanilang dalawang kamay. Pati ang mga mata nila ay umiilaw ng kulay asul kaya ng bolang enerhiya na meron sila.

“Jareth!” Sigaw niya nang mapaluhod ito.

“Huwag mo akong isipin! Ayos lang ako! Kaya ko ito, kapatid ko!” unti-unting tumayo si Jareth at muling gumawa ng bolang enerhiya.

Nag-aalala man siya kay Jareth at gusto na niya itong tulungan ay hinayaan na lang niya itong labanan nang mag-isa ang babaeng kaharap nito. Naniniwala siya sa sinabi nito na kaya nito at alam niyang kaya talaga ni Jareth.

BUMALIK na sina Hamir at Jareth sa kuweba at doon ay nalaman nila na nandoon na sina Miya at Evrio. Lahat silang apat ay merong tig-tatlong kuwintas. At kung hindi siya nagkakamali, si Anya ay meron ding tatlo. Isa lang ang ibig sabihin niyon. Silang apat at si Anya ang limang hinirang! Silang lima ang nagwagi sa huling pagsubok!

Nanatili silang apat sa loob ng kuweba hanggang sa sumabog na ang liwanag. Tirik na ang sikat ng araw ng sila ay lumabas. Labis ang pagtataka nila nang unti-unti silang naglaho na parang alikabok na dinadala ng hangin sa kung saan.

Para bang hinihigop sila ng isang portal. Sa isang kisapmata ay napunta na sila sa gitna ng malawak na bulwagan sa palasyo. Nasa unahan nila ang dating hari at reyna na sina Davidson at Jadis. Maging sina Reyna Helena at Haring Matias ay naroon din at nasa gilid ng mga ito si Ginoong Calvin. Halos malula sila nang malaman nila na sa likuran nila ay ang napakaraming salamangkero! 

CHAPTER 20         

TUMINGIN si Calvin sa reyna at hari. Tumango ang mga ito. Hudyat na dapat na niyang sabihin sa limang hinirang kung bakit ba sumailalim ang mga ito sa mga pagsubok sa Enchanted Academy.

“Mabuti naman kung ganoon. Malaki ang tiwala naming lahat sa inyo dahil naniniwala kami na kayo ang itinakda at hinirang!” ani Reyna Helena. Matapos iyon ay tumingin ito sa kaniya. “Calvin, pormal mo nang ipakilala sa lahat ang limang hinirang…”

NAPAPALAKPAK pa siya sa labis na kasiyahan. “Tama ka, Leya! Ang galing mo talaga! Thank you! Thank you!” Kulang na lang ay yakapin niya si Leya kaya lang ay baka madurog ito. Kaya kinuha na lang niya ito at pinatayo sa kaniyang isang palad habang nakangiting nakatingin dito.

Nalilito at kakamot-kamot sa ulo si Leya. “Ha? Wala pa naman akong ginagawa, prinsesa.”

“Wala ka pa ngang ginagawa ngunit meron kang sinabi!”

“Ano `yong, prinsesa?” puno pa rin ito ng pagtataka.

Umupo siya sa kama at ganoon din si Leya. Magkaharap silang dalawa.

“Tumpak! May tama ka!” Ginaya pa niya ang boses ng isang sikat na personalidad sa mundo ng mga tao na si Kris Aquino.

“Ay, bongga naman! Bet ko `yan!” Dahil sa nagkasama sila noon ni Leya sa Enchanted Academy pati na rin dito sa palasyo ay nakukuha na rin nito ang ilang salita mula sa mundo ng mga tao na ginagamit niya. Mas marami nga lang ang hindi pa nito alam lalo na sa wikang English.

“Pero hindi pa ako tapos… May mas bongga pa, Leya. Humanda ka!”

“Ano pa iyon, prinsesa?”

“Hindi lang ako ang magpapanggap… kundi…” Ibinitin niya ang sasabihin.

“Kundi ano? Sabihin mo na, prinsesa! Nasasabik na ako sa kabuuan ng iyong plano!”

“Hindi lang ako ang magpapanggap kundi pati ikaw!” At malaki ang ngiti na itinuro niya si Leya.

Unti-unting nawala ang ngiti ng lambana. “B-bakit pati ako, prinsesa?” Bigla itong kinabahan.

Tumango si Kanika. “Pati ikaw, Leya. Hindi ba ang saya niyon? Malaki ang maitutulong mo kapag pumayag ka sa plano ko. Ah, payag ka na pala. `Di ba?” Umaasa siya na hindi siya bibiguin nito.

Hindi agad nakasagot si Leya. “Kung magpapanggap ako, sino ako?”

Iyon lang kasi ang paraan na naiisip niya para makapasok siya sa Enchanted Academy. At gagawin niya ang lahat para mangyari ang kaniyang nais.

Tiningnan siya ni Leya nang diretso sa mata. “Tama ka, prinsesa. Alam ko na ang bawat kilos mo pati pananalita. Hindi na ako mahihirapan kung sakali. Ang iniisip ko lang ay ikaw… Kung nandito ako, sino ang gagabay sa iyo sa Enchanted Academy? Paano kung may mangyaring hindi kanais-nais sa iyo doon? Ako ang natatakot para sa susuungin mo, Prinsesa Kanika. Kaya naiintindihan ko ang iyong ama at ina kung bakit ayaw ka nilang payagan…” Dama niya ang labis na pag-aalala ni Leya sa kaniya at labis na na-touch ang puso niya dahil doon. Pero buo na talaga ang loob niya na pumasok sa Enchanted Academy! 

          “LEYA, wala kayong dapat na ipag-alala sa akin. Nasaksihan mo ako noon sa Enchanted Academy. Kung paano ko hinarap ang mga pagsubok sa akin. Lalo na nang talunin ko si Prosfera. Lahat ng iyon ay saksi ka. Kayang-kaya ko ang lahat ng pagsubok, Leya. Sana ay pumayag ka na sa gusto ko. Hayaan mo akong magkaroon ng pagkakataon para ipaglaban ang Erkalla. Hindi lang naman ito para sa akin kundi para sa buong Erkall at mga naninirahan dito, e!” Seryosong turan ni Kanika habang kausap ang kaibigang lambana sa kaniyang silid.

Puno pa rin ng pag-alala ang mukha ni Leya. “Sadyang matapang ka talaga, prinsesa! Labis akong humahanga sa iyo!” palatak pa nito.

“Malaki lang talaga ang pagmamahal ko sa Erkalla kaya gusto kong maging isa ako sa magtatanggol dito laban sa nagbabadyang digmaan. Kaya sana ay pumayag ka na plano ko, Leya. Ipinapangako ko na hindi ka mapapahamak. Please, Leya! Please!”

Kung pwede lang na lumuhod siya sa harap ni Leya ay gagawin niya. Kaya lang ang awkward kasi kahit lumuhod siya dito ay mas malaki pa rin siya.

Tumahimik si Leya. Hinayaan muna ito ni Kanika na makapag-isip. Pero sana ay pumayag ito. Si Leya lang kasi ang kilala niyang maaaring magpanggap na siya habang siya ay nasa Enchanted Academy. Ito na lang ang pag-asa niya ngayon.

“Leya, ano na ang iyong desisyon?” untag niya sa pananahimik ng lambana.

Pumikit ito at huminga nang malalim. “Sige. Payag na ako, prinsesa!” Sa wakas ay sagot nito.

Napasigaw si Kanika sa sobrang saya sa sinabi ni Leya. “Naku, thank you! Thank you talaga!” Kinabig niya ito at idinaiti sa kaniyang dibdib. “Salamat talaga sa pagpayag mo. The best ka talaga. Ang bait-bait mo pa. Salamat!” Hindi na siya magkandatuto sa pasasalamat dito.

“Ek! Ek! H-hindi ako masyadong makahinga, prinsesa!”

“Ay! Sorry naman!” At pinakawalan na niya si Leya. “Nadala lang ako sa sobrang saya. Sorry. Pero gusto ko lang sabihin sa iyo na labis akong nasiyahan sa pagpayag mo, Leya.”

“Walang anuman, prinsesa. Alam mo namang malakas ka sa akin!” Kumindat pa ito. “Ngunit paano naman ako magpapanggap na ikaw? Maliit ako at hindi tayo magkamukha.”

Ginantihan niya ang pagkindat ni Leya sa kaniya. “Huwag kang mag-alala dahil pagpupuyatan ko ang bagay na iyan! Maghahanap ako sa silid-aklatan ng mahika para mabago ko ang aking anyo!” Isang ideya na ang naglalaro sa utak niya kung paano niya gagawing siya si Leya at siya ay magiging ibang tao.

At nagtagumpay si Kanika na baguhin ang kaniyang anyo. Habang si Leya ay nagpapanggap na siya sa palasyo upang hindi mapansin ng lahat na wala siya. Nakapasok siya sa Enchanted Academy.

CHAPTER 21         

UNA niyang niyakap si Hamir na talagang na-miss niya. Kahit magkasama sila sa Enchanted Academy ay hindi naman niya ito nakakausap bilang Kanika. Kahit gusto niya itong yakapin ay hindi niya pwedeng gawin iyon dahil mabubuking siya.

Nagkatinginan silang dalawa ni Hamir at muli silang nagyakap. Kinantyawan sila ng mga kaibigan nila at talagang pinagtulakan pa sila sa isa’t isa.

Dalawang araw din na sinanay ang limang hinirang at matapos iyon ay pinagpahinga na ang mga ito upang mapreserba ang enerhiya at lakas ng mga ito.

“Ang mahiwagang kristal na iyan ang gagamitin ninyo upang makarating sa mundo ng mga tao at dadalhin kayo niyan sa lugar kung saan naroon si Prosfera,” ani Calvin. “Kapag nakaharap niyo siya ay gawin ninyo ang lahat upang siya ay magapi. Hindi magandang pakinggan ngunit kailangan niyo siyang kitilin upang matapos na ang kaniyang kasamaan.”

HINDI siya makakapayag na may buhay na muling magbuwis para kay Prosfera. Nakakalungkot na marami ang nawala para mapakawalan lang ito mula sa pagkakakulong. Pero hindi siya makakapayag na hindi ito magbabayad.

Bigla siyang hinawakan ni Hamir sa isang kamay. “Sandali lamang. Bago tayo bumalik sa Erkalla ay gusto ko sana munang…” Tila hindi nito kayang ituloy ang sasabihin.

“Gusto mong?”

“Gusto kong…”

“Ano, Hamir?” Naguguluhan niyang tanong.

Nagulat na lang siya nang kabigin siya nito sa kaniyang beywang at hinalikan siya sa labi. Halos limang segundo rin na tumagal ang halik na iyon. At nakatulala siya pagkatapos.

“`Yon naman pala ang gusto ni Hamir! Halik!” kantiyaw ni Evrio na sinundan pa nina Miya at Jareth.

“Ano ba? Tama na nga!” Namumula ang pisngi na sabi ni Kanika. “Bumalik na tayo sa Erkalla!” aniya at sabay-sabay silang naglaho sa lugar na iyon.

SA kasalukuyan ay napawi na ang pangamba ng mga taga-Erkalla kay Prosfera. Ngunit hindi pa rin humihinto ang limang hinirang sa kanilang pagsasanay. Upang kapag may bagong banta ng panganib ay handa sila.

Samantala, sa isang tagong lugar sa Erkalla ay may isang nilalang ang naglalakad. Balot na balot ang kaniyang buong katawan at mukha ng malaking tela. Talagang pinagmamasdan niya ang kaniyang dinadaanan.

Nadaanan niya ang palengke, ang palasyo hanggang sa makarating siya sa harapan ng Enchanted Academy. Huminto siya doon at inalis ang takip sa kaniyang mukha.

“Ito pala ang Erkalla!” At isang makahulugang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi.